UST naglunsad ng imbestigasyon para sa Sorsogon ‘bubble’ ng Tigers

TomasinoWeb
TomasinoWeb
Published in
2 min readAug 23, 2020
Aliah Danseco/TomasinoWeb

Gumawa ng sariling komite ang Unibersidad upang imbestigahan ang hinihinalang training bubble ng Growling Tigers na naganap umano sa Sorsogon simula pa noong Hunyo.

Eto ay pagkatapos hindi sumali ng Unibersidad sa naging pulong ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusement Board (GAB), UAAP at Department of Health (DOH) na kinumpirma ng executive director ng UAAP na si Atty. Rebo Saguisag.

Unang lumabas ang impormasyon tungkol sa bubble noong iniulat ang dahilan ng pagkatanggal ng dating Growling Tiger na ngayon ay UP Fighting Maroon nang si CJ Cansino, na kung saan ito daw ay nagsalita umano para sa mga manlalarong gusto nang umuwi sa kani-kanilang pamilya. Pinili na rin mismo ni Cansino na manahimik tungkol sa nangyari.

“Ayoko na magsalita dahil syempre respeto na lang sa UST, and sa mga teammate ko, at ayoko naman din kasi na sakin manggaling yun dahil kung sakin manggaling yon alam ko na masisira yung team. Alam ko ang mangyayare sa UST. Sila na lang bahala mag-confirm non dahil out na ako diyan,” sabi ng dating kapitan ng Growling Tigers sa isang interbyu sa Anong Tunay?! ng Virtual Playground noong Biyernes.

Sa naging pahayag ng Unibersidad nitong Linggo, sinabi nito na hindi nito papayagan ang kung anomang pag-labag ang naganap laban sa mga patakaran ng gobyerno.

“We wish to assure you that the university does not tolerate any form of violation of government regulation and it responds promptly by taking the appropriate action,” sabi ng Unibersidad sa kanilang pahayag. Jose Rafael Ballecer

--

--

TomasinoWeb
TomasinoWeb

The Premier Digital Media Organization of the University of Santo Tomas