Ang bitbit nila ay linyang masa, hindi droga, hindi baril

Scientia
Scientia
Published in
2 min readJul 30, 2018

Editoryal

Ang mga manggagawa ng NutriAsia. Photo by C.J. Palpal-latoc

Mariing kinukundena ng Scientia ang pag-aresto ng pulisya ng Meycauayan sa mga nagprotestang manggagawa at lider-kabataan laban sa panggigipit at pandadahas ng NutriAsia sa mga manggagawa nito.

Kabilang sa mga inaresto ay si Einstein Recedes, Secretary General ng Anakbayan, si Mark Quinto, Deputy Secretary General ng League of Filipino Students at maging ang aming graphics artist na si Jon Bonifacio.

Naka-detain ang mga mga manggagawa at kabataan sa Meycauayan City Police Station pagkatapos ng marahas na dispersal ng piketlayn ng mga manggagawa ng NutriAsia kaninang hapon.

Pinaparatangan ng pulis na may dalang shabu at baril daw ang mga na-detain at hindi daw sila ang nagsimula ng karahasan.

Una sa lahat, mapayapang nagsagawa ng programa at humanay ang mga nagprotesta. Nagsimula ang karahasan sa hanay ng pulisya at security ng NutriAsia. Kitang kita sa mga video ang kanilang paghampas ng batuta sa mga manggagawa at ang kanilang paghagis ng mga bato. Isang malaking kasinungalingan at pambababoy ang kanilang pagtanggi sa karahasan na sila ang nag-umpisa.

Ikalawa, kasinungalingan din ang kanilang paratang na may dalang armas at droga ang mga na-detain. Walang bitbit na shabu o baril ang mga nag-aklas. Ang kanilang bitbit ay ang linya ng mga manggagawa na lumalaban sa kanilang karapatan sa maayos at makataong trabaho!

Nananawagan ang Scientia na makilahok ang mga siyentista sa pakikibaka ng mga manggagawa.

Palayain ang mga inarestong kabataan at manggagawa! Wakasan ang kontraktwalisasyon! #

--

--

Scientia
Scientia

The official student publication of the College of Science, UP Diliman.