Geol students call for Lopez ouster, new ‘unbiased’ DENR secretary

Scientia
Scientia
Published in
5 min readApr 6, 2017
(Photo for illustration purposes only, Courtesy of Geol 170 Class of 2014)

Paul Christian Yang-ed

Geology students, in social media and from without, were in uproar in response to Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez’ unilateral cancellation of over 75 Mining Production and Sharing Agreements (MPSA) as well as the closure of over 20 mines across the country. Some of them even held a protest action at the DENR office in Quezon City last February 13, where they earned cheers for being supporters of sound science-based “responsible mining”, while also earning jeers for allegedly siding on the interests of oligarchic mining firms. The issue over Gina Lopez’ policies has been so controversial that her confirmation as secretary by the Commission on Appointments was deferred to March 8 from the original March 1.

To systematically find out the pulse of the geology students and their view of the country’s divisive discourse on mining, your SCIENTIA Correspondent talks to Ralph Abainza, 4th year BS Geology student, and spokesperson from UP Geology Majors’ Society (GEMS). The latter group released an opposition paper condemning Gina Lopez as an “insult to [the geology] field”.

SCIENTIA: Ano ang pagtingin/paano ninyo tinitingnan si Gina Lopez?

Ralph: Kami, ay geol students na pro-environment, so dun namin tinitingnan si Gina Lopez. More on emotion [si Gina] imbes na sa Science. [For example], iniuugnay niya ang earthquake sa mining. Kaya agit(ated) [kaming] mga geol students. Suportado naman namin yung ibang envi policies niya. Yun lang ang pokus ng [tira] niya sa mining industry. [Regarding naman sa bias ni Gina Lopez on ecotourism], we believe na ecotourism and mining can go together. Tingnan mo yung Southern Palawan. Normally, puro putik diyan, di puntahan ng mga turista. [Pero nang dahil sa mining], naging tourist sites na.

SCIENTIA: Paano nagsimula yung oposisyon ng mga Geology students against kay Gina Lopez?

Ralph: Noong unang araw po lang niya, umaasi kami na magbabago [siya], na di niya dadalhin [yung anti-mining attitude] niya sa DENR. Pero sunud-sunod na pinasara niya ang mga big mining companies without due process. Ginagamit niya ang kapangyarihan niya above the law, above science. What if may dumating na environmental problem na tutol sa kanyang pananaw? [Paano niya mareresolba iyon kung di siya nakikinig sa views na iba sa kanya?] [As an example of an environmental problem,] Suportado niya small-scale miners, though ang sabi ng mga scientists at mining engineers, mas delikado [silang mga small-scale], hindi [rin] sila nagpapabound sa law. Yung mga small scale na legal, sumasailalim sa batas, nagbabayad ng taxes. Yung mga small-scale artisanal, di sumusunod sa batas. May research na nagsasabi na pinakamalaking source ng mercury pollution ang artisanal mining. E 70% ng gold production natin ay galing sa artisanal. Kaya malaking problema talaga yang mga small scale artisanal na yan kumpara sa mga large-scale mining na mas may kakayahan na magmitigate ng pollution sa pagmimina.

SCIENTIA: How about nickel mining? May mga balita ukol sa mga alleged na may violations sa nickel mining, tulad ng Marcventures [na kumpanya ng nickel mining sa Mindanao]…

Ralph: Yung Marcventures, kinausap namin CEO nila, na di naman daw legally declared na watershed area yung miniminahan nila, si Gina Lopez lang daw ang [artbitrarily] nagdeklara. Ang problem kay Lopez, kahit “responsible mining” pag di pasok sa kanyang definition [ng environmental protection], ayaw niya tanggapin. Yung ISO certification, sa international community, [pag meron ka nun], responsible mining yun, pero kay Lopez, wala siyang pakialam dun, kahit na napakakumplikado ng pagkuha ng ISO certification.

SCIENTIA: Anong mga balak ninyong gawin na mga activities against Gina Lopez?

Ralph: Education campaigns through social media, halimbawa pinapakalat namin yung definition ng watershed, yung mga sinasabi ng mga prof tulad nina Doc Caloy at mga mining engineer. [Tapos,] may legal action sa March 8, ako mismo magsasalita sa Senado (Commission on Appointments confirmation hearing) to illustrate why she does not deserve that position. Though di matatapos doon ang education campaigns namin.

SCIENTIA: Bakit sa palagay ninyo ay maraming supporters si Gina Lopez?

Ralph: Malakas ang charisma niya sa mga tao, magaling siya magsalita. Tapos yung mga picture niya na kalbo ang mga kagubatan, [madaling paniwalaan ng mga tao] kahit na walang factchecking. Yung mga experts, inaakusahan na bayaran ng mga mining companies. Malakas yung emotional appeal [niya].

SCIENTIA: May napuntahan na ba kayong mga minahan, whether “illegal” or “legal” na devastated bunga ng pagmimina, like Marcopper sa Marinduque for example?

Ralph: Personally ako hindi pa, pero yung mga profs [namin] sila kasi nakapunta na roon. Given na may PhD’s naman yung mga profs, as a student, I will side with them.

SCIENTIA: Mayroon bang technology o kaya ba ng technology na maibalik o marehabilitate yung dating kalagayan ng isang lugar na minina?

Ralph: Kaya niya, may technology..sa Rio Tuba [Southern Palawan] kung saan napuntahan ko na, at napuntahan na rin ni Gina Lopez, may gubat silang pinatubo mula sa puro lupa at putik lang dati. Sa technology natin ngayon, kaya siya. In fact, mas maganda nga yung restoration kasi inalis mo yung laterite or highly mineralized soil na pwede nang pagtamnan [kumpara dati].

SCIENTIA: May mga grupo na di naman anti-mining pero nananawagan na dapat ang context ng pagdevelop ng resources sa Pilipinas para sa pakinabang ng mamayan ay through National Industrialization. What are your thoughts?

Ralph: Sa Agham Youth ba yan? Oo, nabasa ko yung statement nila. [Pero] ang mineral industry ay export-oriented kasi sa sobrang taas ng kuryente sa Pilipinas, di tayo maka-establish ng metal processing. Sa China, sa Japan, sa Korea, mura ang metal processing, kaya doon natin ineexport [para pagkakitaan ang resources na otherwise di napakikinabangan]. Feeling ko, sa perspective ko, nagkakamali sila na walang pakinabang ang mga Pilipino. Ang problema kasi sa GDP (Gross Domestic Product) [bilang sukatan] ng kontribusyon ng mining sa national economy, national siya, averaged, e yung Metro Manila [na malaki ang contribution sa GDP] wala namang mining industry. Sa ibang regions, sa Caraga, umaabot ng 30% ng kanilang local GDP ang kontribusyon ng mining, malaki ang local share [sa produksyon]. Paano naman silang mga community na pinasara ni Lopez yung minahan? Mawawalan sila ng hanapbuhay. Doon [sila] pumapalya, pag naging emotional na ang scientist at engineer.

SCIENTIA: Bakit sa palagay ninyo mahal ang kuryente sa Pilipinas?

Ralph: Mahal ang power dito sa Pilipinas, mababa yung supply/output, e mataas ang demand, base yan sa economics. Kaya nga yung Bataan Nuclear Power Plant, nagseseek na maaddress ito.

SCIENTIA: Pero dahil mahal na ang kuryente, di na tayo pwede mag-national industrialization?

Ralph: We are for National Industrialization. Sino ba namang hindi? Ang problema, kailangan natin bumalik sa reality, na mahal ang kuryente,…habang mahal pa, kailangan muna natin [magmina, mag-export].

SCIENTIA: Ano naman ang palagay ninyo sa nagaganap na militarisasyon sa mga lugar na mayayaman sa mineral resources?

Ralph: Kung may ganoong ginagawa ang mining companies, of course, di namin sinusuportahan, against kami sa paramilitary.

SCIENTIA: Ano ang inyong mga gustong ipanawagan?

Ralph: Ang panawagan lang namin ay unahin ang science over emotions….[at] magkaroon tayo ng DENR secretary na di biased sa industry. To all Filipinos: [From us] the scientists and mining engineers, we always promise na gagawin namin lahat ng paraan para maprotektahan ang environment, kaya nga kami nag-aaral para maprotektahan ang environment. We are not against anyone…pero sana dapat may scientific basis lahat ng claims.

--

--

Scientia
Scientia

The official student publication of the College of Science, UP Diliman.