Science students’ group support big mines’ closure, call for alternative ‘Pro-people’ Mining Policy

Scientia
Scientia
Published in
6 min readApr 6, 2017

Paul Christian Yang-ed

Amid the furor of some students over Gina Lopez’ cancellation of over 75 Mining Production Sharing Agreements (MPSA) and closure of over 20 big mines, a group of concerned science students insists that DENR Secretary Gina Lopez was ‘right’ in closing these mines as a matter of ‘social justice’ and preventing further ‘environmental plunder’.

To find out why this is the stand of some science students, your SCIENTIA Correspondent talks to EJ Cabrera, 5th year BS Physics student, and secretary-general of Agham Youth — Student Advocates of Science and Technology for the People. The group also called for a reorientation of the students’ mindset of mining from being solely corporate-driven to a ‘pro-people’ industry that serves ‘national industrialization’.

SCIENTIA: Ano ang pagtingin/paano ninyo tinitingnan si Gina Lopez? Bakit niyo siya sinusuportahan despite ng allegations ng pagiging unscientific daw niya?

EJ: Actually, sinusuportahan namin si Gina Lopez sa pagpapasara niya [nung mga minahan] kasi alam naman namin kung gaano ka-destructive ang ginagawang pagmimina [ng mga kumpanyang iyon] lalo na para sa mga IPs (Indigenous People)…Dapat ginawa na [ang pagpapasara na mga ito] ng mga dating DENR secretaries, [dahil] yun ang gusto ng masa nating [apektado] sa kanayunan. About naman sa scientific basis nung pagpapasara niya, [marami nang grupo] ang may datos sa mga pinsala ng pagmimina, halimbawa dun sa Rapu-Rapu [Albay].

SCIENTIA: Paano naman yung mawawalan ng trabaho dahil sa pagpapasara?

EJ: Para naman dun sa mawawalan ng trabaho, pwede natin silang tipunin [at pakilusin] upang hingin na dapat [tugunan] ng gobyerno yung kalagayan nila, na magkaroon ng aksyon. Magiging excuse ng gobyerno kasi na dapat korporasyon lang ang magbigay ng trabaho kaya ipaprivatize yung mineral resources kahit na pag-aari [yung mga mineral resources na iyon] ng estado, ng mga mamamayan.

SCIENTIA: Paano naman ninyo sinusuri o tinitingnan ang reaksyon ng mga geology students sa ginawang mga pagpapasara ni Gina Lopez?

EJ: Nauunawaan naman natin na totoo nga naman na mawawalan sila ng trabaho at maglalaho [na parang bula] yung mga pinopromote ng mga geologist sa mga korporasyon na [posibleng naging] trabaho nila sana. Pero kung maisasabansa ang mining industry, mas maraming opportunity ang mabubuksan para sa kanila [habang] hindi naman napeperwisyo ang mga mamamayan.

SCIENTIA: Paano niyo balak pakitunguhan bilang “progressive science students’ group” yung mga ayaw kay Gina Lopez, lalo na yung galing sa NIGS? Lalo na’t nagdeklara silang hayagang maglolobby laban sa kumpirmasyon ni Gina Lopez sa Commission on Appointments.

EJ: Patuloy tayo sa paghihikayat at pag-eeducate sa kanila na mayroong mas magandang future para sa kanila kung yung mining industry ay para sa Pambansang Industriyalisasyon imbes na sa dambuhalang mga korporasyon, na ang mining dapat para sa interes ng mamamayan. Di rin namin sinasara ang pinto para sa pakikipagtulungan sa kanila sa iba pang mga usapin tungkol sa human rights at ang laban natin para sa libreng edukasyon. Naniniwala tayo na di dapat tayong mga estudyante ang naglalaban-laban kundi ang sistemang nagpopromote ng pang-aalipusta at pang-aapi [ang dapat kalabanin].

SCIENTIA: Despite her good intentions, sa inyong palagay saan ba talaga ‘tama’ si Gina Lopez? Bakit? Saan naman siya nagkakamali? Bakit?

EJ: Tamang ginawa niya na [tugunan ang] matagal na panawagan ng mga mamamayang malapit sa minahan na nasisira ang kanilang kabuhayan, pagsasaka at pangingisda, na pinasara niya yung mga minahang nagdudulot ng paghihirap na ito. Dun naman sa mali, hinihiling naman namin na magkaroon ng transparency sa mining audit at makita yung basehan sa pagpapasara nito. [Saka] kapag nakikipag-usap siya sa publiko, puro panawagan lang siya nang di niya ineexplain yung scientific basis kung bakit.

SCIENTIA: Bakit sa palagay ninyo ay maraming supporters si Gina Lopez?

EJ: Kasi maraming mga mamamayan mula sa kanayunan ang naperwisyo ng mga malalaking korporasyon. May mga ilog na narumihan dahil sa chemical waste [ng mga minahan] na nakaaapekto sa kabuhayan ng mga mangingisda natin. May mga lupain din na di na pwedeng masakahan dahil natatabunan ng makakapal na putik. Kaya nang isinulong ni Gina Lopez na ipasara itong mga ito, pumukaw ito ng atensyon sa mga mamamayang apektado, na nagtitiis sa ganitong pasakit.

SCIENTIA: May napuntahan na ba kayong mga minahan, whether “illegal” or “legal”, na devastated bunga ng pagmimina?

EJ: Sa organisasyon namin, mayroon kaming miyembro na taga-Marinduque, kung saan naroon ang Marcopper, na alam naman nating involved sa isa sa mga pinakamalaking disaster sa pagmimina sa Pilipinas. Nasaksihan niya kung gaano ka-devastated yung lugar nila. Bukod pa iyon sa mga indigenous people (IP) na naglakbayan dito sa Diliman na nagkuwento ng kanilang nararanasan doon sa kanilang lugar.

SCIENTIA: May mga nagke-claim na sapat na raw ang pagkakaroon ng Corporate Social Responsibility (CSR), ng pagkakaroon ng mga teknolohiyang nagmimitigate at nagrerehabilitate ng mga pinagmiminahan, at pagbibigay ng trabaho sa mga host communities bilang “responsible mining”. Na in fact, mas nakasasama pa raw ang mga small-scale artisanal miners kaysa dambuhalang mga kumpanya. Paano ba dapat natin suriin ang papel ng teknolohiya at pagmimina sa lipunang Pilipino?

EJ: Ang pagtingin namin diyan, [mga] dambuhala at konti lang ang pinakanakikinabang [habang] nakasisira sila sa kalikasan at kabuhayan ng mga mamamayan sa kanayunan. Nanganganib din yung mga mamamayan nating sumasahod ng mumò [ng CSR] ngunit mas makikinabang sana ang mamamayan kung hawak nila mismo ang industriya ng pagmimina natin sa bansa, imbes na hawak lang ng iilan. Labas pa sa pagmimina, pag may pambansang industriyalisasyon, may iba pang maraming trabahong [pwedeng pasukan] dahil hawak na natin ang produksyon sa ating bansa nang namomonitor din natin ang lagay ng ating kalikasan. Dun naman sa small-scale mining,..dapat mabigyan din sila ng access to technology to safely do what they do. Kung ma-collectivize natin sila into cooperatives at bigyan ng edukasyon para sa wastong pagmimina sa ilalim ng NI (National Industrialization), para rin naman sa kanilang mga mamamayan na nagtatrabaho para magmina nito [ang balik], makikinabang din sila, nakatulong pa sila.

SCIENTIA: Dahil mahal daw ang kuryente sa Pilipinas, ang realidad ayon sa ibang mga estudyante ay wala raw tayong magagawa kundi mag-export na lang ng minerals abroad, na di raw realistic ang National Industrialization. Anong masasabi niyo tungkol dito?

EJ: Pagdating naman sa enerhiya, kasama rin yan sa pinaglalaban din natin na maisabansa, bukod pa sa mining industry. Kailangan ng mga raw materials ng enerhiya para maproseso. Tulad din ng sa pagmimina, ang enerhiya natin ay hawak din ng iilang pribadong entidad kung kaya ito ay mahal.

SCIENTIA: Kaso, habang wala pang National Industrialization, di naman makahihintay ang mga geol student/geol graduates na magkaroon nito, kaya mas nanaisin pa nilang di ipasara yung mga kumpanya para may naghihintay na hanapbuhay para sa kanila. Ano ba ang dapat nilang gawin para magkatotoo ang National Industrialization? Na magmura rin ang kuryente?

EJ: Kung di sila makahihintay, we suggest na lumahok sila sa pagpush ng NI. Ang NI ay di naman iwiwish upon a star. Sama-sama dapat tayong mga siyentista na maitaguyod ito. Kung magkakanya-kanya tayo, di talaga natin mapupush ang NI. Para magamit natin ang skills natin para sa ating bansa. Kailangan nating kumilos kasi di natin pwedeng hintayin na maubos ang resources natin bago tayo mag-NI.

SCIENTIA: Ano naman ang palagay ninyo sa nagaganap na militarisasyon sa mga lugar na mayayaman sa mineral resources?

EJ: Sa militarisasyon, dito mo makikita yung interes ng mga naghaharing-uri, lalo na kung sino yung nakaupo sa government. Bakit mo papaalisin yung mga mamamayan mo sa kanilang mga lupain para sa ikakikita lang ng iilan? Kanino nga bang interes sila nagseserve [yung mga sundalo]? Yan ang kabulukan ng gobyerno, gamit ang AFP, na kitang-kita natin na di naman mga mamamayan ang sineserve nila.

SCIENTIA: Ano inyong mga gustong ipanawagan?

EJ: Panawagan namin is pagbasura sa Mining Act of 1995 at palitan ito ng “People’s Mining Bill”. Siyempre, pinapanawagan namin ang pagpapasara ng mga dambuhalang korporasyong mapanira roon sa kanayunan. Na tayo naman mga future scientists at engineers, na ilaan ang kanilang pag-iisip na ipush ang NI, kaysa maghintay tayo na simot na simot na ang Pilipinas.

--

--

Scientia
Scientia

The official student publication of the College of Science, UP Diliman.