#CommutersChronicles: Manong Drayber

John Jordan Perea
The Innovator Blog
Published in
3 min readJan 23, 2016
Gil Puyat Station

Manong Drayber. (n) ang taong nagdadala sayo sa iyong paroroonan. Sila ang mga “sweet lover” at may motto na “God knows Judas not pay”. Ngunit may pagkakataong nalilimutan nilang nagmamaneho sila ng sasakyan. Tinatawag din silang tsuper, kuya, boss. etc. Pero kung minsan hindi lang iyan ang kahulugan ng salitang drayber.

Synonym. Piloto

Madalas naranasan mo na ang ganitong uri ng drayber mapa-kahit anong sasakyan man. Pakiramdam nilang eroplano ang kanilang minamaneho kaya talagang masasabi mong “byaheng langit” talaga ang karanasan kapag nasakyan mo siya. Hindi niya alintana ang ibang sasakyan kasi nga naman ang taas ng ere ni kuya lumagpas ng langit.

Synonym. Commander

“Tango-tango, kilo-kilo na dito sa ilalim ng kubo”. “May mag 54 diyan sa butas, itusok mo sa kaliwa”. Malamang sa malamang nahihiwagaan ka rin sa mga salitang naririnig mo sa walkie-talkie ng mga tsuper ng F/X at PUV. Sa dalas mo nang sumasakay sa kanila halos nakabisa mo na ang iba’t-ibang “secret codes” nila. Daig pa nila ang mga militar na parang may mahalagang misyong tatapusin.

Synonym. Disc Jockey

Sila ang bubuhay ng iyong napakahabang at kung minsan boring na paglalakbay. Hilig nilang magpatugtog ng mga kantang talaga nga namang makakarelate ka. Pero ingat ka sa ganitong uri ng drayber, sa lakas nilang mag-soundtrip hindi nila maririnig kung may bababa o wala. Kadalasan sila yung mga bingi kahit sumisigaw ka na ng, “Kuya para!!!”

See also #CommutersChronicles: 10 Senti Songs Mula sa UV Express Playlist

Synonym. Public Servant

Favorite topic nila ang issues na kinakaharap ng bansa. Lumalabas ang pagkasintomas ng kanilang pagka-public servant kapag na-provoke ng sobrang traffic o di kaya mga ginagawang daan na nagdudulot ng mas malala pang traffic. Ibibigay nila ang “no holds barred” nilang komento sa mga namumuno sa pamahalaan. Minsan nakakatuwa silang pakinggan lalo na kung may makikisabay pang “concerned senior citizen” pero madalas hindi kasi hindi sila concerned sa pagtulog mo sa byahe.

Synonym. Messiah

Napakaswerte mo kung nasakyan mo ang mga katulad nila. Busog ka sa mga magagandang salita hindi lamang mula sa bibliya kundi pati narin sa mga karanasan nilang tiyak niyang kapupulutan mo ng aral. Ibabahagi niya ang buhay niya kahit ayaw mong marinig. Tuturuan niya ang mga naliligaw dahil alam niya ang pasikot-sikot sa mga daan. Kahit ano kaya niya, name it, siya ang mesayad este messiah.

Synonym. Fortune Teller

Iba sila sa messiah kaya huwag kang malilito! Sila ang mga tipo ng drayber na parang may mahiwagang bola sa manibela o di naman kaya nakikita nila sa windshield ng sasakyan ang alignment ng mga bituin at alam nila kung saan traffic o may operasyon para sa mga “coding” at kolorum. May pagkakataong masarap sumakay sa kanila dahil mahilig silang mag shortcut at dumaan sa mga hindi pwedeng daanan ng pampasaherong sasakyan. Yung ultimo makipot na daan sa palengke o eskinita dadaanan nila makaiwas lang sa mga dapat iwasan. Kaya yung shortcut nila minsan ay hindi talaga shortcut kundi isang mahabang roadtrip kasama ang mga galit ng pasahero. Naniniwala na ko kay Madam Senaida Seva na “Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila. Meron tayong free will, gamitin natin ito.” Yan tayo sa free will niyo kami tuloy na peperwisyo.

Ngayon, use drayber” in a sentence. Kapag wala kang maisip pili ka nalang dito.

--

--