Nais Kong Makarating

gladys diane de mesa
The Innovator Blog
Published in
1 min readJun 12, 2017
Art by Dustin Olan

Ika- 12 ng Hunyo, 2017

Sa ika isang daan at labing siyam na taon ang mga Pilipino muling magdiriwang ng Kalayaan –

Kalayaan sa mga dayuhan.

Kalayaan sa mga mananakop.

Malaya.

Isang salita ngunit buong bansa ang tumitingala, ang pinagpala.

Marahil, hanggang ngayon mainit parin na tinatalakay kung tunay nga bang lumaya ang mga Pilipino.

Una.

Ano ba ang batayan ng Kalayaan?

Ang pag alis ng mga hindi kilalang tao sa lupaing pag mamay ari nating mga Pilipino?

Ang maputol ang tali na nagdurugtong sa pagitan natin at ibang lupain?

O ang mahalin at igalang nating mga Pilipino ang bansang Pilipinas?

Pangalawa.

Kanino ba dapat lumaya?

Sa mga dayuhan?

Sa mga bansang satin ay may kaugnayan?

O sa sarili natin, na di alam kung ang Pilipinas ba talaga ay para sa mga Pilipino?

Pangatlo.

Sino ba ang dapat lumaya?

Ang bansang Pilipinas?

Ang mga naaliping Pilipino?

O ang mga nagkukunwaring Pilipino, na sa sarili nyang bansa ay mananakop?

Pang apat.

Alam mo ba na ang tunay lamang na Malaya ay ang mga TUNAY na PILIPINO?

At Huli.

Ikaw ba ay TUNAY na PILIPINO?

--

--