Kontribusyon ng Komunidad ng Elrond

Gaile Canedo
6 min readNov 21, 2019

--

Ang Aking Simula

Nagsimula akong maging interisado sa teknolohiya ng blockchain noong tagsibol, ito ang panahon kung saan ang mabilis na paglaki ng merkado sa cryptocurrency ay nagsimula. Bilang namumuhunan, ako ay namuhunan sa cryptocurrency gamit ang aking mga ipon. Ang nangyari, hindi ako nabigo sa aking puhunan. Ako ay nag trade sa palitan ng Binance at namuhunan sa iba’t-ibang cryptocurrencies, at simali rin sa madaming ICO. Ito ang oras kung saan ako ay nag-aaral ng teknolohiya ng blockchain at ako ay naging interesado sa Mainnet.

Ang unang seryosong proyekto na aking sinalihan ay ang Proyekto ng Pangaea galing Harmony. Sa pamamagitan ng kanilang sariling Mainnet, sinubukan nila ang bagong network. Doon ko nalaman ang VPS, Linux, Ubuntu at Debian. Sa loob ng dalawang buwan, simali ako dito.

Sa kasamaang palad, ang proyekto ay nawala dahil sa kakulangan ng mga tauhan. Ang isa sa mga tauhan ay nagsimulang mag-aral. Ang oras ng pagpaplano ay hindi nangyari. Ngunit ang mga benepisyo ng kaalaman ay nakatatak na sa aking isipan. Nagustuhan ko ang TMUX multiplexer at ang background mode capability ng VPN. Sa kabuuan, ito ay talagang mahalagang kagamitan para sa Mainnet. Sa Elrond, ako ay gumamit din ng TMUX.

Ako ay nagsimulang sumali sa komunidad ng Elrond bilang isang may hawak ng ERD. At siyempre, para sa Testnet. Simula noong bersyon 1.0.16, ako ay simula bilang tagahanga. Marami akong natutunang iba’t ibang bagay dahil sa Elrond — ang lengguwaheng Goalig, ang Ligtas na PRoof of Stake mechanism. Ako ay nabighani sa bagong arkitektura ng blockchain, ang scalability at bilis ng mga transaksyon. Kaya naman tama ang aking desisyon na sumali dito bago ang Mainnet. Dahil dito, ako ay naging kasali at namumuhunan.

Paglipat sa Cloud

Alam ko na na sa simula palang, ang Windows ay hindi magiging epektibo para sa Mannet. Sinubukan kong magsimula ng node sa VPS gamit ang Linux, ngunit mayroong mga problema sa Goaling, root rights at kakulangan sa kaalaaman. Hindi ako sumuko dito, nalaman ko na kailangan ko lang pa lang magsimula gamit ang TMUX. Mayroon ding bigong pag lunsad sa AWS gamit ang Linux2 package dahil sa hindi angkop na utos. Kung hindi dahil sa tulong ng ibang miyembro sa komunidad, ito ay magiging mahirap para sa akin.

Ako ay aktibong natutulungan ng ibang miyembro ng komunidad dito. Sa kanilang lahat, gusto kong banggitin ang tulong ni Sorin, kung saan tinuruan niya ko sa pribadong channel sa Riot, na parang isang bata. 5 oras ang aming ginugol bago niya ko maturuan. Si Alwin ay isa rin sa mga tumulong sakin na ilipat ang node sa VPS gamit ang Debian sa pamamagitan ng kaniyang sariling script package.

Noong oras na dumating ang Battle of the Nodes — ako ay handa. Ito ay laban ng mga validator. Ito ay magkakaroon ng kompetitsyon. Sa bawat ikot, kami ay nakahanap ng madaming bugs kung kaya’t ang mga developers ay maaayos ito at iba pang problema. Ang kumplikadong code at pag dagdag ng iba pang mga feature ay nakakapag pa buti sa Elrond. Sa paghahanap ng kahinaan sa mga pag-atake, kami ay natutong palakasin ang aming mga node para maiwasan ang atake sa susunod na network. Sa pag kumpleto ng misyon at transaksyon aming napatunayan na ang aming node ay mas mabilis, ligtas, at mabuti.

Ako ay talagang natutuwa at may dangal na maging isang miyembro ng Battle of Nodes. Mayroong mga bagong kakilala sa bawat araw na galing sa iba’t ibang bansa. Nagtutulungan sa mga kaalaman at mga problema. Nakabibighani sapagkat sa una ay mayroon lamang kaming 200 knots, ngayon ito ay nasa 900 na. Ito ay hindi ko makakalimutan na kaganapan at nangyari ito sa komunikasyon sa Telegram, Riot, at sa forum, kahit pa man ang kompetisyon ay mataas.

Ang Aking Kontribusyon

Ang pinaka positibong nangyari — Ako ay mas natuto pa sa arktektura ng blockchain. Hindi maikakailang mahirap ang maging validator ng matagal, gumawa ng mga misyon at tumingin sa mga bug at kahinaan network. Kinakaiilangan nito ng matinding oras, pagsisikap at pera para makapagrenta ng VPS server.

Kung kaya’t ako ay gumawa ng kontirbusyon na siyang makakatulong sa iba pang kasali — Sumulat ako ng isang detalyong manual sa Medium kung paano magsagawa ng nodes sa VPS ng libre para sa trial period. Ito ay makatutulong sa mga kasali na makatipd ay makasali sa Battle of Nodes. Mababasa mo ito dito sa link na ito.

Ako ay nagsagawa din ng mga pagtuturo para sa mga baguhan, kung saan aking pinakita kung paano mag sagawa ng isang node sa Ubuntu at isang node sa Debian sa magkaibang cloud providers. Pinakita din dito ang mga detalye kung paano mag lipat ng keys galing sa Windows at gumawa ng tamang VPS instance. Ito ay karagdagan sa artikulo.

Ang lahat ng ito ay mapapadali ang pag lipat sa Linux. At dapat ding intindihin na ang darating na Mainnet ay nasa VPS at Linux lamang. Ito ay magbibigay sa network ng katatagan, mapasahan at mapagkakatiwalan na network. Ang Mainnet ay nakatakdang mangyari sa katapusan ng Disyembre.

Kontibusyon ng Komunidad

Nakasisigurado ako na karamihan sa mga miyembero sa Battle of Nodes ay magiging miyembro din sa Mainnet. Ang komunidad ng Elround ang tumulong sa amin dito sa pamamagitan ng pag bibigay ng gantimpala sa 200–300 na pinakaaktibong miyembro ng ERD kada tapos ng kontribusyon sa komunidad. Ang Battle of Nodes ay may sarili ring reward para sa kada isang node na naisasagawa. Kung kaya’t karamihan sa mga sumali dito ay nagsasagawa ng 6 nodes upang mapataas ang pagkakataon na manalo. Ito ay makatutulong na makakuha ng mas madaming token para sa darating na mainnet. Magiging miyembro ka rin ng Mainnet ng libre kung kasali dito. Nakasisigurado rin ako na maraming namumuhunan ang magiging intersado dito. Kung hindi dahil sa kontribusyon ng komunidad at ng Elrond team sa pagtulong at teknikal na pagsasanay sa mga darating na node operators, aang Mainnet a hindi mangyayari agad.

Ang komunidad ng Elrond ay talagang kakaiba sapagkat ang mga tao dito ay palaging tumutugon at aktibo. Itong bagay na ito ang nagpapalamang sa Elrond kumpara sa ibang proyekto. Kasama ang bagong teknolohiya sa blockchain , ito ang nagbubuklod sa atin sa ba. Masaya akong kaugnay ako sa komunidad na ito. Magkakasama, ating bubuuin ang pinakamabilis at mapagkakatiwalaang blockchain. Ang mainnet, iung saan hindi kinakailangan ng mataas na enerhiya sa pag mimina.

Kami ay inyong salihan at matuto pa patungkol sa Elrond:

Elrond

Elrond forum

Elrond community

Battle of Nodes

Explorer/validators

Leaderboard Battle of Nodes

Telegram/ElrondValidators

Riot room

— — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — — -

English version: https://medium.com/elrond-community/elrond-community-contribution-8b547c7de18d

Tagalog Translation by: @gailecanedo01

--

--

Gaile Canedo

Content creator / 23 / Love cats. Currently bullish on eth