Ano ba si Levana
Ang paglunsad ng bagong protocol ay magbibigay ng isang bagong biyaya. Ang biyayang ito ay magbubukas ng hindi mawawaring pagkakataon. Isang biyaya na matapos ibigay, ay hindi na mababawi.
- Binigay ng Mirror Protocol ang biyaya ng “naka-mirror na assets”.
- Binigay ng Anchor Protocol ang biyaya ng “mataas at matatag na pagbunga”.
- Ibibigay naman ng Mars Protocol ang biyaya ng “money market” o pagpalitan gamit ng mga pondong short-term.
Susundan ng Levana Protocol ang lahat ng nabanggit sa kanyang ireregalong “leverage” na magbibigay ng kakayahang bumili ng assets gamit ang paghiram.
Taglay sa pangalang acronym ang pakahulugang “Leverage Any Asset”, ang Levana ay magsisilbing sentro ng Terra ecosystem para kahit sinuman ay makakagamit ng produktong may leverage. Bilang isa sa iilang mga proyekto ng Delphi Labs na patuloy na pinapauunlad, gagana ang Levana Protocol katambal ang Mars Protocol para maisakatuparan ito.
Ang unang produkto na ihahatid ng Levana ay ang Levana Leverage Index (LLI) token. Gamit ang LLI token ay malaya ang sinumang manghiram upang makuha ang anuman sa mga asset na alok ng Levana.
Levana Leverage Index (LLI) tokens
Gumagana ang Levana Leverage Index (LLI) tokens sa pagtipon ng mga asset na mayroong nakatakdang halaga ng leverage. Matapos nito ay gagawa ng mga LLI token sa pamamagitan ng Levana Protocol upang maipakita ang pagmamay-ari sa mga tinipong leveraged asset. Matapos, pwede na makuha ang mga token na ito gamit ang mga samu’t-saring Terra AMM (automated market maker) gaya ng Astroport, TerraSwap, at Loop Finance.
Kasing dali at simple lang ito sa pagpalit ng LUNA para sa LUNA 2x-LLI token.
Sa susunod na bahagi, bubutiktikin natin ang proseso na dinaraanan ng Levana upang makapagkamal ng leverage at makabuo ito ng mga LLI token.
Pagkakamal ng Leverage
Nagkakamal ng leverage ang Levana gamit ang mekanismong tinatawag na The Leverage Capsule, na ginagawang simple, madali at automatika ang buong proseso. Nakalista rito ang mga partikular na hakbang sa proseso ng The Leverage Capsule:
- Hakbang 1: Inilalagak ang LUNA sa Mars Protocol kapalit ng maLUNA
- Hakbang 2: Makakahiram ng UST gamit ang maLUNA at ang UST ay ipapambili ng LUNA sa mga DEX.
- Hakbang 3: Uulitin ang prosesa hanggang marating ng token ang itinakdang lebel ng leverage (halimbawa: 2x LUNA).
Kapag masyadong mataas ang lebel ng leverage na nakamit, babalikwas ang The Leverage Capsule sa pamamagitan ng kabaliktaran sa prosesong inilahad.
Captions (English:Filipino):
- Deposit LUNA: Ilagak ang LUNA, Receive LUNA, Makakatanggap ng maLUNA
- Borrow UST from Mars: Hihiram ng UST mula sa Mars
- Trade UST for LUNA: Ipagpapalit ang UST para sa LUNA
Halimbawa:
Isang LUNA 2x-LLI token ay naglalayon ng dobleng (2x) price exposure sa LUNA.
- Tinipong LUNA 2x Assets: $ 1,000,000
- Dami ng Luna 2x-LLI token = 100,000 na bilang
- Presyo ng LUNA 2x-LLI token= $10 kada isang token
Captions (English:Filipino)
Imagine 1 Luna = $10 : Ipagpalagay na 1 LUNA = $10
- 100,000 deposited into Mars: 100,000 na LUNA ay ilalagak sa Mars
- Borrow $500,000 UST: Hihiram ng $500,000 UST mula sa Mars
- Swap $500,000 UST for 50,000 Luna: Ipagpapalit ang $500,000 UST para sa 50,000 na LUNA
- Repeat the process until you have 200,000 Luna: Ulitin ang proseso hanggang magkaroon ng 200,000 na LUNA
- Split this up into 100,000 tokens — called Luna2x tokens — each with a starting prie of $10: Hatiin sa 100,000 na token — — ang LUNA2x token — na bawat isa ay nagkakahalagang $10.
Auto-Rebalancing
Kapareho ng iba pang collateralized lending platforms, ang paghiram ng UST sa MARS ay may dalang panganib ng likidasyon. Pinaplano ng Levana na agapan ang panganib na ito gamit ng auto-rebalancing mechanism na lubos na makakapagpababa ng panganib na mangyari ang likidasyon.
Sa halip na ipasa sa gumagamit ang kinakailangan na pag-aayos ng kanilang liquidation ratio sa manu-manong pamamaraan, ang sistema ng Levana ay magbibigay ng mga insentibo sa publiko para sila na mismo ang gumawa ng rebalancing. Kahit sinuman sa mga gumagamit ay maaring magtakda ng rebalancing para mapababa ang leverage at mapataas ang health factor ng The Leverage Capsule.
Ang mataas na health factor ay nangangahulugang mababa ang panganib ng likidasyon, samantalang ang mababang health factor ay nagsasabing mataas ang panganib ng likidasyon para sa The Leverage Capsule.
Gano karami ang posibleng makamal na leverage?
Maraming salik na nagtatakda ng pinakamataas na dami ng leverage na makakamal ng The Leverage Capsule. Ngunit dahil hindi pa natatakda ang mga partikular sa kontrata ng Mars, magdudunong-dunungan muna tayo sa ganitong panahon. Ngayon, ipagpapalgay natin na ang Mars ay magtatakda ng 50% LTV ratio, maari itong tumaas sa kinalaunan, kaya tataas ang lebel ng leverage na nakakamal.
Pansinin na sa halimbawang babanggitin, imbes na humiram ng UST at matapos ay bumili ng LUNA gaya ng nakaraang gabay, tayo ay hihiram lamang ng LUNA. Pareho naman ang epketo ng dalawang paraan.
Ito ang halimbawa na ipinapagpapalagay ang mga nabanngit na salik:
Bakit mahalaga ang leverage?
Ang leverage ay isa sa mga pinakamahalagang kasangkapan para sa mga lumalahok sa pamilihang ito, dahil binibigyan sila nito ng kakayahan ng exposure sa isang asset ng hindi binabayaran ang buong halaga ng asset. Gamit ang leverage, nabubuksan ang mundong hitik sa posibilidad, at pinapagtibay nito ang pamilihan sa pangkalahatan.
Ito ay isang halimbawa mula sa natipon nating assets na nagkakahalagang $1M ng LUNA. Kung dodoble ang presyo ng isang LUNA token mula sa $10 papunta sa $20, ang leveraged position ay magbibigay ng mas malaking kita habang tumatagal ang exposure nito sa LUNA.
Halimbawa:
Kung dodoble ang presyo ng LUNA…
Gamit ang leverage na 2x, ang pangunahing bili ng $1M ng UST ay magbabalik ng $3M na halaga ng UST sa halip na $2M ng UST lamang.
Ibig sabihin nito ang pag-ipit ng LUNA ay magbabalik ng 100% na kita, ngunit ang pag-ipit ng LUNA2x-LLI token ay magbabalik ng 200% na kita. Mahalagang isaalang-alang na hindi pa isinasama ang mga buwis na kaakibat sa protocol ng Levana at ang buwis mula sa paghiram, ang tunay na kikitaing halaga ay maaring mas mababa sa 200%.
Ang LLI token man ang unang pamamaraan upang magkamal ng leverage sa Levana, magkakaroon pa ibang mga paraan upang makapagkamal ng leverage gaya ng perpetual swaps and options sa hinaharap.
Tunghayan Ang Aming Paglalakbay
Ang paglathala ng artikulong ito ay magsisilbing simula sa paglalakbay patungo sa paglunsad ng Levana. Sa mga sususnod na linggo, kami ay maglalabas ng karagdagang impormasyon patungkol sa Levana. Pumunta sa aming mga social media accounts sa Twitter at Telegram para makibalita
Karagdagang Impormasyon:
Twitter: https://twitter.com/Levana_protocol
Telegram: http://t.me/levanaprotocol
Levana Lore (1/4): https://medium.com/levana-protocol/levana-lore-part-1-of-4-8dde4b3f40bf
Podcast kasama ang TerraBites: https://youtu.be/NibjsuGfd1c
Hanggang sa susunod na pagkakataon…