Pagsusuri ng Aklat: Dekada ‘70 ni Lualhati Bautista | Rihanna Rionda — 11w2

RIHANNA JOELLE SEGARRA RIONDA
19 min readFeb 19, 2024

--

Ika nga ni Julian Bartolome, “It’s a man’s world.”

Ang pamagat ng akda ay Dekada ‘70, na isinulat ni Lualhati Bautista noong taong 1983. Ang akda na ito ay hango sa panahon ng Martial Law. Unang ipinatupad ang Martial Law noong taong 1972, kung saan nilagdaan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Proclamation No. 1081. Ang pamagat ay tinawag na Dekada 70 dahil karamihan ng mga kaganapan sa akda ay naganap noong 70s.

Si Lualhati Bautista ay isang manunulat, nobelista, kritiko sa politika at aktibista na ipinanganak noong Disyember 2, 1945 sa Tondo, Maynila. Nag-aral siya ng journalism sa Lyceum of the Philippines bago siya huminto matapos napagtanto niya na gusto niya lamang mag sulat. Noong siya ay isang aktibong manunulat, naglathala siya ng humigit-kumulang 10 na libro, isa na rito ang Dekada ‘70. Maliban dito, naglabas siyang ng mga aklat tulad ng Bata, Bata… Pa’no Ka Ginawa? (1988) at ‘GAPÔ (1988). Sa kabuuan ng kanyang karera sa pagsusulat, nakatanggap siya ng mga parangal katulad ng Carlos Palanca Memorial Award. Kilala si Lualhati bilang isang feministo, at ipinaglalaban niya ang mga babae katulad niya sa pagsusulat ng mga akda katulad ng Dekada ’70. Dahil sa kanyang katapangan, malaki ang naiambag niya sa panitikang Filipino. Lalo na noong unang panahon, kung saan ang mga kasarian niya ay takot laksan ang mga boses nila sa mga isyu nakakaapekto sakanilang araw-araw na buhay. Ikinalungkot ng marami nung pumanaw ito noong Pebrero 12, 2023 sa lamang sa edad na 77.

Si Amanda Bartolome ang asawa ni Julian Bartolome Sr. at ang ina nila Julian Jr., Isagani, Emmanuel, Jason, at Benjamin. Isa siyang mapagmahal na ina sa punto ipapaglaban niya ang mga anak niya kahit ano pa mangyari. Sa simula ng kwento, isa siyang masunurin na asawa, siya ang taga luto, taga linis, at taga alaga sa kanyang mga anak, habang ang asawa niya ay nag tratrabaho para sakanilang pamilya. Ngunit, gusto sundan ni Amanda ang kanyang mga gusto, katulad nito ay mag ka trabaho, dahil sa gusto niya ipakita na pantay lang ang babae at lalaki sa kanilang mga kaya. Sa akda, makikita nating unti-unting tumatapang si Amanda at ipinaglalaban niya ang feminismo sa kanyang kapaligiran. Siya ay nag sisimbolo ng mga babae na hindi takot laksan ang kanilang boses at lumalaban para sa pagkapantay-pantay na trato at karapatan nila.

Si Julian Bartolome Sr. ay ang asawa ni Amanda Bartolome at ang ama ng kanilang mga anak na sina Julian Jr., Isagani, Emmanuel, Jason, at Benjamin. Siya ang tagapag-hanap buhay sa kanilang pamilya dahil siya lamang sakanila ay may trabaho. Si Julian ay may superiority complex, kung saan tingin niya mas mataas ang mga kaya ng lalaki kesa sa babae, kaya’t ayaw niyang mag ka trabaho si Amanda dahil sa tingin nito ay masyado itong mahina. Sinisimbolo ni Julian ang mga lalaki na naniniwala sa mga lumang kasabihan katulad ng “Men are stronger than women.” Gayunpaman, si Julian ay isang role model sa kanyang mga anak at mapagmahal na ama sakanila.

Si Julian Bartolome Jr., o kilala bilang ‘Jules’ sa kwento ay ang panganay sa magkakapatid. Bata palang, mahilig na ito ipaglaban ang kanyang bayan para sakanilang mga karapatan at hustisya. Sumasama ito sa mga protesta at nakasali pa sa isang organisasyon. Hindi nag sawa si Jules ipaglaban ang kanyang mga kapwa-Filipino laban sa pamahalaan. Sinisimbolo niya ang mga tao natin ngayon na hindi takot at handang magsakripisyo para sa kaligtasan at karapatan ng kanyang mga kapwa.

Si Isagani Bartolome naman ay ang sumunod na anak kay Jules. Ngunit, ibang iba ito sa kanyang kuya. Sa akda, isa siyang lalaki na mahilig mag mahal. Sa batang edad, nabuntis niya ang kanyang kasintahan. Dahil dito, napilitan siyang mag hanap agad ng trabaho upang maibuhay niya ang kanyang pamilya. Umalis siya ng Pilipinas upang maging sundalo ng US Navy, dahil isa din ito sa mga pangarap niya sa bahay. Sinisimbolo niya ang mga ilan sa atin ngayon na nagsisimula ng kanilang mga sariling pamilya sa murang edad at nangangailangan na magsakripisyo upang matustusan ang kanilang pamilya.

Ang susunod na anak nina Amanda at Julian ay si Emmanuel Bartolome, ang pangatlo sakanila mag kakapatid. Sa kanyang pamilya, siya ay nag iisang manunulat. Mahilig siya mag sulat ng kanyang mga kaalaman at sinundan nito si Jules naipaglaban ang mga kanilang kapwa. Sa pag gamit ng kanyang type writer, laging sumusulat si Emmanuel ng mga artikulo na pinapakita niya sa iba upang maging may kamalayan sila sa mga kaganapan at mali ng goberyno. Sinisimbolo niya ang mga journalist natin ngayon na nag susulat satin araw araw para may kaalaman tayo sa mga nangyayari sa ating mga kapaligiran at ipinaglalaban ang ating mga karapatan at hustisya.

Si Jason Bartolome ang susunod na anak nila Amanda at Julian, siya ang pang-apat na anak sa kanilang pamilya. Sa akda, siya ay masayahin at ang pinaka makulit na anak sa kanilang lima. Lagi siyang sinesermohan ng kanyang ina ngunit matigas ang ulo nito at hindi nakikinig sa mga payo nito. Siya lamang sa pamilya ang namatay. Ang kamatayan niya ay nakakalungkot at hindi karapat-rapat na mangyari para sakanya. Sinisimbolo niya ang mga tao na matitigas ang ulo at hindi nakikinig sa kanilang mga magulang. Aniya, “Listen to your parents, because they know what is right for you.”

Ang bunso sakanilang mag kakapatid ay si Bingo Bartolome, bata palang, madami na siyang nalalaman tungkol sa mga isyu sa kapaligiran niya dahil sa impluwensya ng kanyang mga kapatid. Kaya nais niyang matuto mas lalo at siguro, sundan ang kilos ng mga kanyang kapatid para sa makakabuting kinabukasan ng kanyang bansa. Sinisimbolo niya ang kabataan natin ngayon na malakas ang impluwensya ng mga kaigiban, pamilya at social media nila sa kanilang mga political views.

Ang Dekada ’70 ay naganap noong 1970s, kung saan ang dating Pangulong Ferdinand Marcos ay nag muno sa Pilipinas. Noong 1972, dineklara ng dating Pangulo ang Martial Law sa buong bansa, kung saan nahigpitan ang mga lugar at nag lahad ng mga batas katulad ng curfew.

Isa sa mga tagpuan sa akda ay ang nagaganap sa bahay ng mga Bartolome. Isang bahay na matatagpuan sa Pilipinas. Isa sa mga senaryo dito ay kumakain sila bilang isang buong pamilya. Ngunit habang kumakain, nag bibigay ang bawat isa sa kanilang mga opinyon ukol sa kalayaan sa pagsasalita sa mga paaralan. Iba iba ang mga kaisipan ni Amanda at ni Julian tungkol sa isyu na ito, ngunit, kahit iba iba ang mga opinyon nila, sila parin ay magkakasama at mapagmahal sa isa’t-isa’t dahil sila ay iisang pamilya. Katulad sa kasalukuyang natin ngayon, kahit iba ang mga political views ng ating mga magulang, hindi nawawala ang pagkakaisa at mahal sa ating mga pamilya.

Ang pangalawa na tagpuan na gusto kong ibigay ng pansin ay ang senaryo kung saan kumakain ng almusal sina Amanda at Julian sa kanilang bahay. Habang kumakain, nag uusap ang dalawa tungkol sa trabaho nahanap ni Amanda sa kanyang periyodiko. Gusto sana ni Amanda kunin ang trabaho nito ngunit ayaw ni Julian dahil sa tingin niya hindi ito kakayanin ng kanyang asawa. Nag talunan ang dalawa hanggang nagpatalo nalang si Amanda. Nauugnay ito sa ating panahon ngayon kung saan ang mga ibang babaeng asawa ay nahihirapan nakipagusap sa kanilang asawa dahil takot itong masaktan o kaya, hindi ito gusto. May mga ilang babae satin ay hanggang sunod lang sa kanilang asawa at hindi kaya ipaglaban ang nararapat sakanila.

Ang pangatlo at pinaka huling tagpuan na gusto kong pag usapan ay ang pag-uusap ni Jules sa mga kapwa niyang naging biktima ang mga kamag-anak na hindi karapat-rapat na pag patay at nag hihingi pa ito ng mga hustisya. Madami parin sating mga Pinoy ang naging biktima sa kakulangan ng hustisya, madami parin ang nag lalaban para sakanilang karapatan laban sa pamahalaan.

Nag sisimula ang akda sa kalagitnaan ng 1960, kung saan makikita si Isagani nakikipag away sa kasama nitong kalaro. Agad pumunta si Amanda upang patigilan ang kanyang anak. Pag uwi nito sa bahay, nakaupo si Julian at nag babasa ng diyaryo, habang si Amanda ay inaalagan ang kanilang bunsong anak na si Bingo. Ang mga bata naman ay nag lalaro at nag kakanta sa labas ng bahay, pero hindi natuwa si Julian sa kanilang kanta kinakanta. “Sawayin mo nga mga anak mo.” Sabi ni Julian sa kanyang asawa. Makikita natin ang teoryang feminismo sa senaryo na ito dahil sa tingin ng mga lalaki noon ay ang mga babae ay may responsibilidad na sawayin at alagain ang mga anak habang ang mga lalaki ay nag tratrabaho o nag papahinga lamang. Pinapakita ng teoryang ito na hindi pantay-pantay ang tingin ng mga tao sa babae at lalaki. Dahil sa tingin nila mas mahina ang babae kumpara sa lalaki.

Ang susunod na pangyayari ay makikita nating nasa labas sina Amanda at ang kanyang apat na anak. Naka sakay ito sa jeep habang pinapanood ang mga tao nag proprotesta laban sa Vietnam. Sa eksena na ito, nag bigay ng pahiwatig na may teoryang realismo din ang akda, kung saan makikita natin ang mga protesta ukol sa karapatan at hustisya. Habang nanonood ang pamilya, umalis si Jules para mas lalo tignan ang mga nag proprotesta doon, bata palang, mapapansin na agad may interes si Jules sa mga rally o protesta.

Nag iba ng eksena kung saan pinakita si Julian, Amanda at ang mga kaigiban ni Julian naguusap tungkol sa dadating na eleksyon habang kumakain. Halos lahat ng mga kaigiban ni Julian, at si Julian mismo, ay boto kay Ferdinand Marcos. Ika nga ni Julian, “He’s the most brilliant president. Iboboto ko parin siya sa susunod na eleksyon.”

Taong 1970, nanalo muli si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa eleksyon. Makikita si Julian pinapanood ang kanyang talumpati sa telebisyon.

Kumakain ang pamilyang Bartolome habang nag didiskusyon ang mga anak at ang ama nila na si Julian.

“Ng mundong ito, kung saan kayong mga babae ay parang mga dahong natutuyo sa sanga sa kakahintay sa ngini’t pansin naming mga lalaki.

Hanggang sa kaawaan ka namin at dalhin ka sa aming mundo ng kaligayahan at kagalakan. Wala kang magagawa, yan ang batas.

It’s a man’s world!”

Hindi natuwa si Amanda sa sinabi ng kanyang asawa, habang ang mga anak niyang lalaki ay sumaya at nakipagtagay sa isa’t isa. Agad ito nalipat sa susunod na eksena. Habang kumakain ng kanilang almusal, inisip ni Amanda mag hanap ng trabaho dahil sa gusto nito. Ngunit hindi ito na gustohan ni Julian at nag away ang dalawa. Sa huli, sinundan ni Amanda ang gusto ni Julian at inisipan na wag nalang munang kunin ang trabaho na iyon.

“Mag trabaho kaya ako.”

“Sabihin mo nga sakin, kulang ba ang kinikita ko?! Meron ka bang mga gusto na di ko maibigay?! Hindi ka mag tratrabaho hanggang ako ang lalaki sa ating dalawa!”

Sa linya palang, makikita natin ang teoryang feminismo, kung saan tingin ni Julian na hanggang siya ang “king of the house” siya ay dapat sundan sa mga gusto niya mangyari. Kahit sa ngayon, madami parin tayong mga babae nakakaranasan ng ganitong pagtrato sa mga lalaki, kung saan, sa lalaki, dapat sila ang taga hanap buhay sa kanilang mga pamilya habang ang babae ay dapat “stay-at-home wife.”

Sa susunod na araw, makikita nating araw ito ng prom ng kanilang anak na si Jules at Gani kasama ang kanilang mga partner. Ngunit habang sumasayaw, binastos ni Gani ang sarili niyang partner at hinahawak ito sa mga puwesto sa kanyang katawan na hindi dapat hinahawakan. Nagalit ito sakanya at hinampas ang kanyang kamay.

Makikita natin ulit ang teoryang realismo, kung saan madaming mga ulat tungkol sa sexual harrassment sa mga babae. Ito parin ay nangyayari sa kasalukuyang panahon at madami parin tayong na bibiktima dito.

Taong 1971, makikita si Emmanuel nag susulat na gamit ang kanyang type writer, ngunit ang mga sinusulat nito ay pinagbabawalan.

May protesta gumaganap sa tapat ng Unibersidad ng Pilipinas, kung saan si Jules at ang kanyang kaigiban na si Willy ay naging mga aktibista at sumama ng mga ilang movement at organisasyon. Habang nag proprotesta, kumanta ang mga tao ng Lupang Hinirang na naka taas ang kanilang mga kamao. Pagkatapos ikanta ang Lupang Hinirang, agad na lumaban ang mga protesta sa mga sundalo at natalo nila ang mga ito. Agad nang umalis ang mga protesta pag katapos.

Nung nalaman ni Julian ito agad nagalit ito sa ginawa nila Jules at Willy sa pag sama sa mga protesta, sinabi ng ama ang posibleng kahihinatnan madadaanan ng dalawa pag ipinagtuloy parin nitong makipag sama sa mga movement na iyon.

“Eh kung ma dampot kayo? Katulad doon sa isang student leader na si Charlie del Rosario. Na maski yung bangkay hindi pa nakikita!”

Ang bahagi na ito ay realismo dahil sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, may naging biktima na pangalan ay si Charlie del Rosario, isang student leader na itinatag ang Kabataang Makabayan. Pinakahuli siyang nakita ay Marso 19, 1971 at simula noon, hindi na nakita ang kanyang bangkay.

Kumain ang pamilya ng hapunan nung maitanong ng kaigiban ni Jules tungkol sa freedom of expression sa eskwelahan. Ipinaliwanag ni Julian na wala kasing gulo sa eskwelahan kumpara sa mga bahay.

“Itinataboy nila ang mga rally namin at pinapauwi kami.”

“Kung nakita kita sumama sa mga nag rarally, ipapauwi din kita.”

Tinutulongan ni Amanda ang kanilang kasambahay, sinabihan ni Julian na umakyat ito agad, hindi nakinig si Amanda at patuloy parin ang paglilinis niya sa baba. Nagalit si Julian.

“Ano ba yan? Kanina pa kita pinapaakyat ah?

Bakit ka ba tawag ng tawag? Ano ba kailangan mo?

Basta pinapaakyat kita, tapos.”

Sa senaryo ito, makikita nating ang teoryang feminismo kung saan dapat sundan ng mga babae ang gusto ng mga lalaki upang hindi ito magalit.

Habang nag lalaro ng basketball si Gani at Jules, sinabi ni Gani ang kanyang pangarap bilang isang US Navy, ngunit hindi ito na gustohan ni Jules at sa tingin niya na kulang si Gani ng patriotism. Nagalit agad si Gani at sinabi madaming benepisyo ang pagiging sundalo para sa goberyno ng US. Pumayag si Julian sa gusto ni Gani at agad ito naging isa pang breadwinner sakanilang pamilya.

May nangyari nanamang protesta kung saan may na pako sa krus, nandoon sina Willy at Jules, nanonood. Sinabi ni Willy sa kanyang kaigiban na lalabas na siya dahil tinatanong na siya ng kanilang organisasyon. Sinabi ni Willy na isipan ng mabuti ni Jules kung gusto nito sumama sakanya.

Nalipat ang pokus sa mag ina na si Amanda at Bingo, nag lalaro si Bingo ng saranggola nung sinita ito ni Amanda na bumaba. Habang bumababa, nahulog ang saranggola at nakita ni Amanda ang nakasulat sa diyaryo, mga kopya ng komunista na diyaryo. Nalaman ni Julian na isang aktibista si Jules at agad ito tinignan ang kwarto upang tignan kung meron pa itong mga tinatago.

“Siguro Dad, panahon na para mamili ang tao alin man sa dito ka o doon.”

Taong 1972, dineklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Martial Law. Nanood ang pamilyang Bartolome habang dinedeklara niya ang bagong law. Mas lalo humigpit at nag ka curfew, huhulihin din ang mga tao lalaban sa goberyno.

Nakauwi ng babae si Gani at na buntis niya ito, agad pumunta ang mag asawa na Bartolome kasama ang dalawa upang maibalik ito sa bahay nila, pero sinamahan sila ng mga sundalo. Pag dating, tinakot ng ama ni Evelyn si Gani na dapat pakasalin ito. Nag pakasal ang dalawa at agad lumipat sa ibang eksena.

Umuwi si Jules gabi na, umiiyak dahil namatay ang kanyang kaigiban na si Willy pagkatapos hindi sundan ang curfew hours. Napag desisyon si Jules na pumunta ng Bicol at sumama sa New People’s Army ngunit hindi ito na gustohan ni Amanda. Kahit hindi ito na aprubahan ng kanyang magulang, umalis nalang ng isang araw si Jules.

Taong 1973, nanganak si Evelyn sa kanyang anak kasama ni Isagani. Upang maibuhay ang kanyang pamilya, umalis si Isagani para itupad ang kanyang pangarap na maging sundalo para sa US Navy. Si Evelyn ay bumalik sa kanyang pamilya kasama ang kanyang anak.

Dahil isa nang seryosong manunulat si Emmanuel, plano nitong pumunta sa Bataan para sa bagong artikulo niya tungkol sa Bataan Nuclear Power Plant. Hindi pumayag si Julian dahil ipinag babawalan ito noong Martial Law, ngunit pumayag ito sa huli.

Taong 1974, biglaang umuwi si Jules na may kasamang kaigiban na may sugat pagkatapos barilin, ayaw nito dalhin sa ospital dahil may mga ilang sundalo doon na baka kunin sila. Tumira ang kaigiban na ito sa bahay nila ng ilang araw bago ito umalis. Kinausap ni Amanda si Rene at tinanong kung bakit ginagawa nila ito kahit nasa panganib ang kanilang buhay. Dahil gusto niya lamang maintindihan ang kanyang anak.

Taong 1975, kaarawan ni Bingo, ang bunsong anak. Inaasahan ni Amanda na dadating si Jules para magdiwang kasama sila ngunit hindi siya dumating.

Isang araw, tumawag si Jules upang mag kita sila ng kanyang ina, nag kita ang dalawa sa restaurant kung saan nag usap sila at sinabi ni Jules ang kanyang bagong pamilya kasama ng kasintahan niya na si Mara. Bago umalis, sinabihan ni Jules isunog lahat ng gamit niya sa bahay upang walang mahanap ang mga sundalo pag pumunta sakanilang bahay. Dinagdag niya din na wag sila sumama sa mga sundalo.

Taong 1976, dumating ang mga sundalo sa bahay ng mga Bartolome nung gabi. Kalat ang mga gamit upang mahanap nila ang mga anik-anik ni Jules, basag na mga gamit, ngunit wala sila nahanap. Walang na saktan na anak o kaya sa dalawang mag asawa.

Ngunit isang araw, may tumawag sakanila na sinasabi na nahuli si Jules ng mga pulis, agad pumunta ng prisinto ang mag asawa para bisitahin si Jules. Puro sugat ang mga mukha, pero nakangiti parin ang lalaki dahil ipinag malaki niya na hindi siya nilaglag ang kahit sino man kahit nasasaktan na siya.

Nung pasko, pumunta ang pamilyang Bartolome upang makasama si Jules ngayong pasko. Hindi ito na gustohan ni Jason, dahil may date dapat ito kasama ng bagong niyang kasintahan. Napansin ni Jules na tingin ng tingin si Jason sa kanyang relo at nag usap yung dalawa sa labas.

Nung isang gabi, hindi nakauwi si Jason at agad nag hanap sina Julian at Amanda para sakanya. Tinanong nila ang mga pulis ngunit pinalaya na nila ito. Habang hinahanap ng dalawa si Jason, may kinausap si Emmanuel na matandang lalaki nag nag sasabi may nahanap silang bangkay ng batang lalaki sa likod ng Manila Zoo. Agad kinuprima ni Emmanuel ang batang lalaki, at sa gulat niya, ang pinatay ay ang nawawalang niyang kapatid na si Jason.

Agad binalita ni Emmanuel ang nalaman niya sa kanyang pamilya at umiyak ang kanyang magulang.

“Pinatay nila anak ko!”

Ito ay nag papakita ng teoryang realismo kung saan may mga kapwa tayong Pinoy na nagiging biktima ng hindi matinong hustisya, madami na tayong naging biktima nung panahon ng Martial Law at War on Drugs.

Sa kanyang burol, pumunta si Jules at nakita ang katawan ng kanyang kapatid.

Pagkatapos, isang araw, pumasok si Amanda sa kwarto ng anak niya upang umiyak. Nakita ito ni Bingo at nagsisisi dahil hindi niya sinabi sa kanyang ina ang pahayag ng kanyang kuya tungkol sa date niya nung pasko. Tingin ni Bingo na baka galit ito sakanya dahil dito. Inalwan nito ni Amanda at sinabi sakanya na mahal na mahal siya ng kanyang kuya.

Dahil sa nangyari sa kanyang anak, plano ni Amanda ipalit ang kaso kay Enrile, ang Defense Minister. Ngunit hindi pumayag si Julian dahil sa tingin niyang wala ito magagawa sa dami na ng mga kaso katulad rito. Pero ipinag laban ito ni Amanda dahil anak nila ito at hindi ito karapat rapat.

“Anong gagawin natin? Tatahimik nalang? Tanggapin na pinatay nila anak ko?

Hindi natin tinatanggap na ganon lang. Ginagawa natin lahat na magagawa natin. Pero wag kang umasa! Wag kang umasa malulutas ang kaso na to. Dahil hindi na maasahan ang goberyno na lutasin ang kaso ng mga walang pangalan na mamamayan.

Hindi lang anak mo pinatay, libo libo na yan.”

Ang sinabi ni Julian ay isang teoryang realismo, dahil may mga kaso tayo dito sa Pilipinas na hindi sineseryoso ng mga ilang pulis na korupt.

Binisita ni Amanda ang libingan ng kanyang anak kasama nina Mara at Evelyn, kung saan umiyak siya sa galit sa mga sinabi ng kanyang asawa. Inalwan ng dalawa si Amanda habang umiiyak dito.

“Sinasanay sa kaharasan ang lalaki ng sarili niyang kultura. At ang babae? Sa ideyang wala siya magagawa?!”

“Buong buhay ko, yan na lang ang sinasabi nila sa akin. ‘Wala kang magagawa,’ ‘ito ang gusto ng asawa mo,’ ‘wala kang magagawa ito kapalaran mo,’ ‘wala kang magagawa dahil — ’ dapat hindi ganun!”

“Gusto ko lang malaman, bat nila pinatay ang anak ko?!”

Nag papakita ito ng feminismo kung saan sa tingin ng iba na dapat sundan ng mga babae ang kanilang mga asawa dahil wala silang magagawa at mahihina silang kasarian. Ipinaglalaban ni Amanda na hindi ganon ang mga babae at ayaw niyang ganon ang kaisipan ng mga tao.

Dumating ang isang araw, napag isipan ni Amanda na gusto niyang makipaghiwalay kay Julian, nagalit ito at nag away ang dalawa.

“Ang hirap sayo kala mo lahat na bibili ng pera. Nahindi mo nga ako maintindihan! Kasi buong buhay ko puro nanay lang ako. Nainhindi naman ako mahusay na ina!”

“Kasi buong buhay na magasawa tayo, ang isip mo na sa kung tama ba o mali ang ginagawa ko,kung nakakasunod ba ako sa panuntunan mo o hindi, kung sa sakto sa gusto mo kinikilos o sinasabi ko. Tapos na ako diyan Julian!”

“Gusto ko naman ngayon ako mismo, just for a change, maging proud sa sarili ko.”

At iyong ang unang beses nasabi ni Amanda ang kanyang nararamdaman sa kanyang asawa, makikita nating ang magandang paglaki ng tauhan na hindi na siya takot sabihin ang nararamdaman niya sa kanyang asawa. Na pinapakita niya na hindi siya mahina at may kaya ito.

Nag ligpit ng gamit si Amanda upang umalis ngunit napahinto ito sa narinig niyang balita galing kay Bingo, sinabi ni Bingo na sunduin daw si Jules sa bilanggo.

Taong 1978, may pinabagong eleksyon na ganap sa bayan. Kung saan madaming tao ay masaya. Makikita ang mga tauhan sa sala kasama ng kanilang mga anak at kasintahan, sinabi ni Jules na babalik siya sa kanyang organisasyon dahil ito na ang nag bubuhay sakanya.

Umalis ang mga magkakapatid pagkatapos.

Naiwan ang mag asawa kung saan nag usap sila ng mas matino at maayos kumpara sa noon. Nagpasalamat si Julian sa kanyang asawa sa lahat ng ginawa niya para sa kanilang pamilya.

“Salamat.”

“Para saan?”

“Para sa lahat lahat. Para sa akin, para sa mga anak natin. Hindi kita pipigilan, Amanda. Pero gusto ko lang malaman mo na hindi rin madali ang maging lalaki. Maraming emosyon ang iniibig nila dito dahil hindi raw bagay sa lalaki maging emosyonal. Hindi rin daw bagay sa lalaki maging masyadong masalita at lalong hindi bagay sa lalaki ang umiiyak.”

“Pwede naman tayong umiyak na magkasabay.”

Napagtanto na ni Julian ang kanyang pagkakamali sa pag trato sa mga babae mas lalo na ang kanyang asawa na si Amanda, alam niya na ang mga mali na ginawa niya at makikita nating umiiba na ang opinyon niya sa mga babae.

Pumunta ang buong pamilya sa isang teatro kung saan dinula ni Emmanuel ang kanyang dula, makikita natin sa senaryo na kumakanta sila ng Lupang Hinirang na nakataas ang kanilang mga kamao.

Taong 1983, dumalaw ang pamilyang Bartolome sa burol ng dating senador na si Benigno Aquino Sr. sa Sto. Domingo Church, Quezon City. Napatalsik ang dating pangulong na si Ferdinand Marcos noong People Power Revolution sa EDSA at taong 1986, si Cory Aquino ang naging bagong presidente ng Pilipinas. Nagpapakita ng feminismo sa bansa.

Sa pag tatapos ng kwento, makikita si Amanda sumama sa protesta.

“Ang mamamayang Pilipino ay mga bilanggo pa rin sa loob at labas ng mga rehas ng mga bakal. Ngunit araw-araw ay isinisilang ang mga anak at magulang na mag-tatawid sa bangka nang pagbabago, sapagkat ang payapang pang-pang ay para lang sa mga mangangahas sumagupa sa alon sa panahon ng unos.”

Sa simula at sa wakas ng kwento, madami akong napansin pagkakaiba ng mga tauhan. Lalo na si Amanda, sa una palang, ay mahina ito at masunuri sa kanyang asawa. Ngunit sa pag wakas ng kwento, malaki ang pag babago nangyari sakanyang sarili at naging mas malaya ito at sinundan ang mga gusto nito.

Napagtanto ko ang kahirapan ng mga babae noon na laksan ang kanilang boses sa kanilang kapaligiran, madami sakanila noon ay tiniis nalang ang pagmamaltrato sakanila ng mga ibang lalaki. Pero ngayon, natutuwa ako makita malaki ang pagbabago nangyayari sa ating bansa. Madami tayong mga babae na hindi takot ipakita ang kanilang mga na tagumpay para sa ating bansa, at may mga babae na lumalaban parin sa ating mga karapatan. Napansin ko din, madami na din mga babae sumasama sa mga politika katulad na ni Leni Robredo.

Kung ako ay itatanong, nasa magandang kalagayan na ang mga kapwa nating babae kumpara noon. Sana tuloy tuloy parin ito sa mga susunod na henerasyon. Dahil pantay lang naman ang babae at lalaki sa mga kaya nila.

Nirerekomenda ko ang akda na ito sa mga kapwa kong Filipino na hindi pa nababasa o nakakapag nood nito, lalo na ang mga ka edad ko. Marami ang mga aral sa buhay naidulot ng kwento nito sa akin, at mas lalo kong na indintihan at nakita ang mga paghihirap na pag daanan natin mga Pinoy noong Martial Law.

Sa tingin ko, sa akda na ito ma bubuksan din ang mga mata at puso ng mga iba sa konsepto ng feminismo, kung saan marami parin satin ay naniniwalang wala parin kaya ang mga babae mag buhay ng sarili. Madaming mga senaryo pinakita sa kwento na ito ang kahirapan na tinatapat ng mga babae at mga lalaki na rin. Sa tingin ko, may makakaugnay sa mga tauhan katulad ni Amanda at Julian.

Ang rekomenmdasyon ko din sa mga nakanood o nakabasa na, na sana ipagpatuloy natin ipaglaban ang mga karapatan nating mga babae at laksan natin ang mga boses natin sa mga isyu na nakakaapekto sa araw-araw nating buhay.

Sana ipagpatuloy parin natin ang magandang kalagayan natin ngayon, kung saan may kalayaan na ang mga babae tumakbo sa eleksyon, mag karoon ng mga matataas na posisyon, at ipakita sa iba na kaya nila ibuhay ang sarili mag isa.

https://medium.com/@chanise.wang.jhs/pagsusuri-ng-akda-dekada-70-ni-lualhati-bautista-261c6e3fa204

https://clarenz-averia-jhs.medium.com/panunuring-pampanitikan-dekada-70-ddfd1a052662

https://en.wikipedia.org/wiki/Lualhati_Bautista

https://www.scribd.com/doc/117368753/Tagpuan-docx

https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_bachelors/2283/

https://en.wikipedia.org/wiki/Dekada_%2770_(film)

--

--