Ang Hinaharap ng AI sa Oasis

Mrs.Bieber
Oasis Foundation Filipino
5 min readFeb 27, 2023

--

Disclaimer: Ang paglalathala na ito ay pagsasalin ng Ambassador ng Oasis. Mahigpit na sinuri para makapagbigay ng tamang pagsasalin, ngunit maaaring magkamali at magkulang. Hindi mananagot ang Oasis sa kawastuhan at kahusayan nito. Basahin ang orihinal dito.

Ang pagsulpot ng AI — na naka-katalista na mga makabagong modelo katulad na lamang ng ChatGPT — ay walang kakulangan sa rebolusyonaryo. Ang AI ay may kakayahang baguhin ang ating pang-araw-araw na buhay sa pamamagitan ng pagpapalaya sa atin mula sa pang-araw-araw na mga gawain, na magpapahintulot sa atin na ituon ang ating pansin sa mas makabuluhang bagay at sikaping maisakatuparan ito. Ang AI ay may makabuluhang potensyal na mapabuti ang ating mga buhay at malutas ang ilan sa mga pinakamahirap na problema sa mundo ng mga industriya.

Sa gayong napakalaking potensyal, malaki rin ang mga hamon. Kung paanong bumuo ng mga responsableng sistema ng AI na ligtas, etikal, at patas ay isa sa mga pangunahing hamon na hinaharap sa larangan ng pananaliksik sa AI. Upang mapagtagumpayan ito, kinakailangan ng pagtugon sa mga isyu katulad ng pagkiling sa AI, mga alalahanin sa privacy, at kasiguraduhan na ang mga sistema ng AI ay transparent at maaasahang tunay.

Ang Oasis ay nahaharap sa mga hamon sa privacy ng AI na may parehong resolusyon na idinudulot nito sa bawat iba pang aspeto ng Web3. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga mapagkukunan ng mga kasosyo sa industriya at ang kagamitan ng sarili nitong imprastraktura sa privacy, ang Oasis ay natatangi na nakaposisyon nang sa gayon ay matugunan ang mga hamon sa privacy na dulot ng mga advanced na mga tool ng AI.

Panatilihin ang pagbabasa para sa isang malalim na pagsisid sa kung paano binubuo ng Oasis ang mga primitibo para sa Responsableng AI.

Pag-unawa sa Responsableng AI

Habang ang pag unlad at malawakang adopsyon ng AI ay may potensyal na magdala ng napakalaking benepisyo sa ating lipunan, nagdudulot din ito ng mga napakalalaking hamon na dapat matugunan kabilang ang bias sa AI, privacy, at transparency.

Ang pagkiling sa AI ay nagaganap kapag ang data na ginamit upang sanayin ang modelo ay may kinikilingan. Kung walang mga mitigasyon, ang mga prediksyon ng modelo ay magpapakita ng parehong pagkiling, na hahantong sa hindi makatarungang mga resulta at diskriminasyon.

Ang privacy ay isa sa mga pangunahing alalahanin. Ang pagsasanay ng mga sistema sa AI–lalo na ang mga ginagamit para sa paghahatid ng mga balita, mga ad, at iba pang angkop na digital na nilalaman–ay kadalasang umaasa sa malaking halaga ng sensitibong personal na data, na dapat protektahan upang matiyak na pinahahalagahan ang mga karapatan sa privacy ng bawat indibidwal. Hindi lamang kailangang protektahan ang data sa pahinga at sa panahon ng pagsasanay, ang mga modelo mismo ay dapat ding protektahan o patatagin upang maiwasan ang mga ito sa pagbunyag ng data ng pagsasanay sa mga listong kalaban. Ang transparency at kalayaan-sa-pagkiling sa mga proseso ng paggawa ng desisyon ng AI ay kritikal, dahil mahalaga na maunawaan ng mga tao kung bakit ginagawa ang ilang partikular na desisyon at may tiwala sa kanilang pagiging patas at kawastuan.

Ang pagsuporta sa balangkas ng Responsableng AI ay ang tatlong prinsipyo ng pagiging patas, pagkakaroon ng privacy, at transparency. Ang responsableng AI ay mahalaga sa pagtiyak na ang teknolohiya ay ginagamit sa paraang patas, ligtas, at pinahahalagahan ang mga indibidwal na karapatan. Sa pamamagitan ng pagtugon sa mga hamong ito at pagtiyak na ang AI ay binuo at ginagamit sa isang responsableng paraan, maaari nating gamitin ang buong potensyal ng transpormatibong teknolohiyang ito upang mapakinabangan sa lipunan.

Tatlong Prinsipyo na Sumusuporta sa Responsableng AI

Ang Oasis ay Nagtatayo ng Responsableng AI na mga Primitibo

Sa ngayon, ang Oasis ay nakikipagtulungan sa mga lider ng industriya sa iba’t ibang sektor upang magdisenyo at magpatupad ng mahuhusay na mga primitibo para sa responsableng AI. Narito ang isang maikling pangkalahatang-ideya ng aming pakikipagtulungang gawain tungo sa responsableng AI.

  • Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Oasis Labs sa Meta, ang Oasis ay may mga solusyon sa engineering sa pagiging patas at pagkiling sa mga modelo ng AI. Ang pag-iwas sa mga karupukang ito ay nangangailangan ng mga sistema at proseso sa lugar na tumutulong sa pagsukat ng pagkiling habang sabay na pinoprotektahan ang privacy ng mga indibidwal na nag-aambag ng napakasensitibong demograpikong data para sa mga pagsukat na ito. Bilang isang kasosyo sa disenyo at teknolohiya, bumuo ang Oasis ng isang sistemang batay sa MPC para sa Meta na nakatutugon sa kritikal na pangangailangang ito.
  • Ang Oasis ay nakikipagtulungan sa Personal.ai upang lumikha ng mga pipeline para sa AI na pinoprotektahan ang data na ibinahagi ng mga indibidwal para magamit sa pagbuo ng mga modelo ng conversational na AI. Ang mga proteksyon na ito ay partikular na pananggol sa mga tagalikha at sa kanilang mga online na komunidad upang sa pamamagitan lamang ng verifiable na pahintulot sa pag-access, maaari nilang sanayin ang AI gamit ang data ng isang indibidwal.
  • Gumagawa ang Oasis ng mga naaangkop na tool sa pagiging kumpidensyal para sa mga NFT na nagpoprotekta sa impormasyong nakatali sa isang on-chain na asset mula sa pampublikong pagtingin. Higit pa sa karaniwang pang-unawa ng pagiging may mataas-na-resolusyon na mga imahe, ang mga NFT ay lalong ginagamit upang magtatag ng mga digital na mga pagkakakilanlan at mga reputasyon. Ang mga kumpidensyal na NFT ay nagbibigay-kapangyarihan sa mga tagalikha at mga kolektor na magtakda ng mga kundisyonal na pahintulot na nagbabawal sa pag-access mula sa nag-uusisang counterparty para sa data na nauugnay sa kanilang mga on-chain na asset. Ang Data NFT ay isang token na binuo sa Kumpidensyal na NFT ng Oasis na nagbibigay ng access upang magpatakbo ng mga kompyutasyon sa data na sumusuporta sa token, na naaayon sa mga patakarang tinukoy ng may-ari ng data sa paggamit ng data.
  • Itinayo ng Oasis ang imprastraktura para sa mga Data DAO upang suportahan ang mga indibidwal na karapatan ng data, gantimpalaan ang mga may-ari ng data para sa paggamit ng data, pangasiwaan ang data nang may kumpidensyal at privacy, na may mapapatunayang transparency sa mga operasyon nito. Nagbibigay-daan ito sa mga DAO sa pagbabahagi ng data na maaaring magamit para sa mga analitika at pagsasanay ng mga modelo ng AI sa isang desentralisado na setting.

Upang matuto nang higit pa tungkol sa aktibidad ng Oasis sa AI, bisitahin ang blog ng Oasis Labs, sundan kami sa Twitter o sumali sa Discord o Forum.

Mga Crossroad para sa Privacy

Ang AI ay isang teknolohiyang nagpapabago ng sibilisasyon na katulad ng palimbagan at kuryente. Ngunit sa panahon ng nakaka-engganyong Web3, ang mga stake ay mas mataas kaysa dati. Ang pagprotekta sa sensitibong data at pag-aalis ng pagkakiling ay mahalaga sa pagprotekta sa ating sarili mula sa rebolusyonaryong teknolohiyang ito. Sa Oasis, naniniwala kami na ang isang diskarte na una-sa-privacy sa AI ay susi sa pag-unlock sa buong potensyal nito. Ang Oasis ay nakatuon sa pagsasakatuparan ng hinaharap na ito sa pamamagitan ng isang balangkas na una-sa-privacy na walang kompromisong privacy para sa mga indibidwal.

--

--

Mrs.Bieber
Oasis Foundation Filipino

Blockchain Enthusiast, Graphic Designer, Content Creator, Social Media Influencer, LPT, CH Tutor