Ang nanalo sa Oasis Bloom Hackathon — Pakikipanayam sa XDAO

Elise
Oasis Foundation Filipino
4 min readJul 6, 2022

--

Nakapanayam namin si Andre Miro ng XDAO, para masulyapan ang kaganapan sa likod ng DeFi Mover winning team sa Oasis Bloom Hackathon.

Disclaimer: Ang paglalathala na ito ay pagsasalin na ginawa ng Ambassador ng Oasis. Mahigpit na pagsusuri ang ginawa para makapagbigay ng tamang pagsasalin, ngunit maaaring magkamali at magkulang. Hindi mananagot ang Oasis sa kawastuhan at kahusayan nito. Basahin ang orihinal na artikulo dito.

Tungkol saan ang inyong proyekto? Pakilarawan sa iyong sariling mga salita (sa maayos, naiitindihan na paraan)

Ang XDAO ay inilikha sa ideyang gawing bahagi ang DAO sa malawakang pagtanggap ng crypto sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kagamitan sa mga pangkat na kontrolin ang mutual treasury, bumuo ng mga komunidad at pamumuhunan sa DeFi.

Sa madaling salita, napaka customizable sa mga tagabuo ng DAO para sa pamamahala ng treasury, multi-sig wallet at platform sa pamumuhunan an XDAO. Ang mga DAO sa XDAO ay maaaring may iba’t ibang laki ng kompanya.

Ang Web3 ay tungkol sa pagbabago, pagkagulo at pag unlad sa mga industriya ang Web3 — Anong industriya ang nilalayon na umunlad ng iyong proyekto at anong mga isyu ang gusto niyong lutasin?

Ang pangunahin naming tungkulin ay ang lutasin ang problema sa pagtitiwala sa pinagsamang pamamahala ng mga pondo.

Saan galing ang pangalan ng inyong proyekto? Saan niyo nakuha ang inspirasyon?

Tumagal ang brainstorming namin, May mga kakaibang ideya, ngunit ang konsepto namin ay may magkaugnay tulad ng banking app. Nangangailangan ng malinaw at simpleng pangalan ang isang malakas na produkto.

Ano ang nakaugalian ninyong araw?

Sa umaga, naglalaan ng oras sa meditation at yoga ang ilan sa mga miyembro ng pangkat. Kasunod nito, sabay sabay kaming mag aalmusal at pag uusapan ang susunod na plano. Pagkatapos ay gagawin na nang bawat isa ang kani kanilang mga gawain. Sa gabi ay masigla kaming nagpapahinga: badminton, swimming pool o sauna, ginagawa nila ang lahat sa gusto nila.

Bakit sa Oasis Network ninyo napagpasyahan magbuo? May partikular na bagay ba na nakakapag panabik sa inyo sa komunidad at pangkat ng Oasis?

EVM compatible ParaTime ng Oasis Network ang Emerald at pinapadali nito ang integrasyon ng mga dApp na nakabatay sa EVM gaya ng DeFi, NFT, Metaverse at crypto gaming. Mula nang ilunsad ito noong Nobyembre 2021, mabilis na tumaas ang paglago ng network.

Bilang nangungunang privacy-enabled at scalable layer 1 blockchain, perperkto para sa DeFi ang Oasis Network. Ito ay nag aalok ng instant finality, mas mababa ang bayarin kumpara sa Ethereum ng 99%, mataas na throughput, proteksyon sa privacy at depens laban sa MEV.

Sino ang nasa koponan ninyo? Magbahagi ng kaunti tungkol sa iyong sarili, mga tungkulin at mga hilig. Paano kayo nagkakilala at nagpasya na magtulungan?

Lahat kami ay kanya kanyang nasa mundo ng crypto kahit papaano. Vladislav Shavlidze, ang CEO namin, ang unang nakaisip na gumawa ng XDAO platform mga dalawang taon na ang nakalipas. Noon, may karanasan na siya sa finance at sa industriya ng crypto, at nakita niya na sa hinaharap, mangangailangan ang market ng tool para sa mabilis at madaling paraan ng paggawa ng mga organisasyon sa blockchain.

Noong 2019 ipinakilala ni Vladislav ang proyekto sa kapatid niya na si Zurab Shavlidze, at sila ang nagpasimula sa pangkat ng XDAO. Sa kanilang pananaliksik, nalaman nila na masyadong mahirap sa isang karaniwang user na walang karanasan sa programming ang mga kasalukuyang bumubuo ng DAO. Kaya, nakakita sila ng pagkakataon na magbuo ng platform na user-friendly na magagamit ng sinuman na walang degree sa programming.

Ito ay mahirap na trabahong panteknikal, at para makamit ito, inanyayahan nila sa sumali sa pangkat si Egor Gavrilov (CTO). Dalubhasa sa matematiko na may malalim na karanasan sa pagbubuo ng DeFi si Egor at founder din sa mga ibang proyekto ng crypto.

Kalaunan, nagsimula silang palakihin ang pangkat at inimbitahan si Anna Godovnikova (CMO). Di nagtagal ay lumaki na ang pangkat kasama ang taong iisa ang ideya at pilosopiya bilang mga tagapagtatag at gustong baguhin ang mundo ng cryptocurrency kasama ang XDAO.

Ano ang pinaka kinasasabikan mo tungkol sa blockchain at Web3? May mga “nakatutuwang mga pangarap” ka ba para sa industriya, at paano ito makakaapekto sa ating pinalawak na lipunan?

Desentralisasyon. Kami ay naniniwala na ito ay ang pangunahing bahagi na dapat nasa blockchain at Web3.

Ano ang mga layunin mo sa hinaharap; saan mo nakikita ang iyong sarili sa loob ng 2–3 taon mula ngayon? Ano na ang gagawin mo?

Ang isa sa aming layunin ay ang pagdugtungin ang web3 at ang totoong mundo sa paglikha ng isang kompanyang gagana sa blockchain.

Ano ang ilang naging problema habang ginagawa mo ang proyekto? Ano ang natutunan mo?

Noong una, hindi alam kung saan magsisimula at saan ang patutunguhan. Pinakamabilis na lumago at pinakamabilis na binuong industriya ang bahagi ng Web3, kaya natutunan naming maging flexible hanggang maaari at laging tumugon sa pangangailangan sa market. Hindi ito kasingdali tulad ng nakikita.

Sino ang bayani mo sa Web3? Sino ang hinahangaan mo sa lugar na ito?

Si Changpeng Zhao

Ano ang motto mo?

Create your DAO. Easily

Manatiling konektado sa XDAO

Manatiling nakasubaybay sa mga bagong kaganapan sa XDAO sa kanilang mga social media channel:

Kung interesado ka sa pagbuo ng iyong proyekto sa Oasis, maaaring mag apply ng pagpopondo sa aming $235 Million Ecosystem Fund at sumali sa pinakabagong Gitcoin Hackathon para matulungan ka na makapagsimula. Para basahin ang aming developer resources ay mangyaring bumisita dito.

--

--