Ano Ang GameFi at Bakit Sa Oasis Ka Magbuo

Elise
Oasis Foundation Filipino

--

Isang pagkakataon para sa mga developer ang Bloom Hackathon ng Oasis para maipakita nila ang kanilang talento at pagkamalikhain sa blockchain gaming.

Disclaimer: Ang paglalathala na ito ay pagsasalin na ginawa ng Ambassador ng Oasis. Mahigpit na pagsusuri ang ginawa para makapagbigay ng tamang pagsasalin, ngunit maaaring magkamali at magkulang. Hindi mananagot ang Oasis sa kawastuhan at kahusayan nito. Basahin ang orihinal na artikulo dito.

Isang kakaibang paglalaro ang GameFi o Play to earn, umuusbong na kahiligan sa cryptocurrency ngayon. Ang mga NFT (non-fungible token) at DeFi na may gantimpalang sistema na istilo ng paglalaro ay pinagsama, ang mga manlalarong naglaan ng kanilang oras sa paglalaro ay makakakuha ng token bilang mga gantimpala.

Hindi katulad ng disenyo ng mga tradisyonal na paglalaro na gumagamit ng play-to-win na istilo, ang disenyo ng GameFi ay nagbibigay sa mga manlalaro ng pananalapi na pang akit para ipagpatuloy ang paglalaro at tangkilin ang alternatibong pagkakakitaan. Ang video game at blockchain ay pinagsama ng GameFi para lumikha ng kaakit akit na gantimpala para sa magandang karanasan ng mga manlalaro.

Ayon sa nakaugalian, walang halaga sa labas ng laro ang mga in game na kayamanan; subalit, sa GameFi ay maaaring gawing may totoong halaga ng mga manlalaro ang mga in game na kayamanan sa pamamagitan ng pakikipagpalitan sa mga digital na kalakal sa iba pang mga manlalaro sa loob man ng laro o sa labas sa pamamagitan ng mga third party na pamilihan ng NFT.

Kasama sa P2E gaming ecosystem ang:

  • Pera sa loob ng laro (native crypto o iba pang sinusuportahang crypto)
  • Pamilihan para maipagpalit ang mga kalakal sa loob ng laro o iba pang sinusuportahang kalakal
  • Ekonomiya ng token na pinamahalaan ng komunidad ng laro.

Aling mga play to earn na laro at mga platform ang sikat?

May maraming matagumpay na platform at P2E na laro. Kasama ang ilan sa mga sikat ay ang:

Axie Infinity: Ang pinagsamang Pokemon Go at Cryptokitties ang katulad na istilo ng paglalaro sa Axie; nagpaparami, nagsasanay at nangongolekta ng mga nilalang na tinatawag na Axies ang mga manlalaro at makakuha ng mga token ng laro na tinatawag na Smooth Love Potions (SLP). Ang Axie Infinity ay may tinatayang dalawang milyon manlalaro bawat buwan noong septyembre taong dalawangpu at dalawangpu’t isa.

Decentraland: Ang unang napakadesentralisadong mundo ng virtual na platform. Ang decentraland ay nagsimula sa 2D pixalated grid at ngayon ay naging mundo ng 3D virtual reality; maaaring bumili, magbuo at magbenta ng virtual na lupa ang mga manlalaro sa Decentraland metaverse. Kabilang sa mga nangungunang GameFi na mga coin ang Decentraland ayon sa kabuuang halaga sa pamilihan.

Ang Sandbox: Isang virtual na mundo ng paglalaro kung saan ang mga manlalaro ay maaaring bumuo, magmay ari at pagkakitaan ng kanilang mga karanasan sa paglalaro. Ang gaming platform ng Sandbox blockchain ay binubuo ng tatlong produkto na pinagsama na parehong nagbibigay ng malawak na karanasan sa ng user-generated content (UGC) ng paggawa. Sa pamamagitan ng blockchain at mga smart contract ang mga pinagsama samang produkto ay mas mapakinabangan ng mga gumagamit sa pamamagitan ng paghintulot sa kanila na tiyakin ang pag mamay ari sa copyright para sa kanilang user-created content.

Platform ng MOBOX: Ang MOBOX ay nagbubuo sa lumalaking ecosystem ng DeFi at lumilikha ng imprastraktura ng GameFi ayon sa mga liquidity pool, yield farming at NFT. Ang MOBOX ay nagtatampok ng malawak na klase ng mga larong puno ng aksyong pang edukasyon at nakakalibang.

Ang tatlong mga platform ay nag aalok ng maraming pagkakakitaan, mula sa pakikipagaplitan sa mga kalakan sa loob ng laro o pagbuo ng mga virtual na pagmamay ari para maibenta sa hinaharap. Ang mga susunod na platform ng GameFi ay nangangailangan ng scalable, maaasahan at versatile na pundasyon ng blockchain para matiyak ang lubos na kasiyahan sa paglalaro.

Emerald ParaTime: Bakit ang Oasis Network ang perpekto para sa GameFi

Kapana panabik ang bagong industriya ng GameFi na nagbibigay ng pagkakataon sa mga manlalaro na laruin ang mga ekslusibong mga laro sa buong mundo. Para makasabay sa pangangailangan, kailangan ng GameFi ang versatile at scalable na mga platform para laging masisiyahan ang mga manlalaro sa dekalidad na karanasan sa aktibong network ng paglalaro. Tinitiyak ng Oasis na ang paglalaro ay walang kabagalan sa pamamagitan ng Emerald ParaTime — ang opisyal na EVM Compatible ParaTime nito.

Pinapayagan ng Emerald ang:

  • Full EVM compatibility
  • Ang integrasyon sa nakabatay sa EVM na mga DApp ay pinadali, tulad ng DeFi, NFT, Metaverse at crypto gaming
  • Scalability — tinaasan ang mga transaksyon ng throughput
  • Mura — mababa ang bayarin hanggang 99%+ kaysa sa Ethereum
  • Cross-chain bridge para sa cross-chain interoperability

Makakatanggap ng lahat ng suporta ang mga developer para sa pandaigdigang pagbubuo sa Oasis; Sa EVM compatibility at madaling integrasyon ng DApp ang mga developer ay maaaring gamitin ang Emerald ParaTime para makuha ang kagandahan ng computational, kasama ang mabilis na transaksyon at kapakinabangan ng multi-chain. Nagiging perpektong platform ang Oasis sa mga DApp ng GameFi dahil sa mababang bayarin ng gas at mataas na scability nito.

Ang ecosystem na madalas binubuo ng tinatawag na GameFi ay para sa napakahusay na karanasan sa paglalaro at itaguyod ang palitan sa loob ng laro; Ang suporta ng Emerald sa DeFi, NFT at aktibidad ng Metaverse ay nagbigay ng kailangan pundasyon sa paggawa ng pamilihan, pera sa loob ng laro at ekonomiya ng token na nasa ecosystem ng paglalaro sa crypto.

Ang Oasis Bloom Hackathon: Magdadala ng mga bagong pangalan ng GameFi

Ang isang nawawalang koneksyon ng paglalaro sa blockchain ay ang totoong flagship na pangalan sa paglalaro AAA; baka sa Oasis Bloom Hackathon natin makita ang pagdating ng bagong pangmalakasang koponan sa paglalaro?

Ang mga ideya na isaalang alang ng mga developer ay ang:

  • Isang FPS na laro kung saan ang matitirang manlalaro pagkatapos ng battle royale ay makakatanggap ng gantimpala, o ang manlalarong may pinakamababang talo pagkatapos ng laban ay makakatanggap ng gantimpala sa crypto. Maaaring may mga kalakal sa loob ng laro na magpapahaba ng buhay ng manlalaro.
  • Isang Formula 1 ng karera na laro na nakapalibot sa iba’t ibang yugto ng Metaverse o iba’t ibang mga Metaverse; magbabayad ang mga manonood ng karera. Maaaring magdagdag ng totoong bahagi ng mga gumagamit sa laro na nagbabayad para makanood ng isang F1 na karera. Makakatanggap ang mga racer ng mga gantimpala mula sa nalikom ng manonood; maaari din silang makabili o mag upgrade ng kanilang mga sasakyan sa loob ng bilihan ng laro.
  • Isang turn-based strategy na laro, kung saan kailangang ipasadya ng mga manlalaro ang kanilang character or hukbo at talunin ang ibang manlalaro o mga hukbo ng masaya at madiskarteng labanan. Ang mga hukbo ay maaaring masanay ng mga manlalaro at bumili o manalo ng mga kalakal na ginagamit sa labanan. Mga NFT ang mga kagamitan sa labanan na may iba’t ibang uri ng pagkapambihira, kahalagahan at pagiging epektibo. Ang mga NFT sa loob ng laro na ito ay maaaring ipagpalit sa nakaintegrasyon na pamilihan sa pagitan ng mga manlalaro o iba pang mga pamilihan, nagbibigay daan para pagkakitaan ang karanasan sa paglalaro.

Sa Oasis, sinusuportahan namin ang pagkamalikhain at pagbabago, kaya naman naghanda kami ng susunod na Bloom Hackathon. Pagkakataon na ito ng mga developer na paganahin ang kanilang imahinasyon at may malalaking gantimpala na inaalok, hindi mo ito dapat palampasin!

Paano sumali: Para makapagsimula, bisitahin ang hackathon page at isumite ang iyong aplikasyon bago ang ika-2 ng Mayo taong kasalukuyan.

Ang mga developer ng laro ay may pagkakataon na ipakita ang kanilang husay sa paparating na Bloom Hackathon ng Oasis. Makakakuha hanggang dalawang daan libong dolyar ang pinakanamumukod at pinakamahusay na pangkat sa pagbubuo ng DApp ng GameFi sa Oasis Emerald, ang EVM Compatible na ParaTime.

Ilang araw nalang at magsisimula na ang Oasis Bloom Hackathon; Magparehistro gamit ang mga sumusunod na link!

Inaasahan naming makita ang susunod na flagship ng proyekto ng GameFi!

--

--