Ano ng pwede mo ng magawa gamit ang una sa Industriyang Confidential EVM — Sapphire

Gerome
Oasis Foundation Filipino

--

Disclaimer: Ang publikasyon na ito ay isinalin ng Oasis Ambassador,
mahigpit na pagsusuri ang ginawa upang makapag-bigay ng wastung pagsalin sa wikang ito, ngutin ibang pagkakasaad nito ay maaaring mali at may pagkakulang. Hindi pananagutan ng Oasis ang kawastuhan o kaayusan nito. Basahin ang orihinal na artikulo
dito.

Ang blockchain space ay naghahanap ng paraan upang lumawak sa Web3 kasama ang DApp at mga solusyon na inihanda para susunod na henerasyon ng internet. Gayunpaman, mayroong paring suliranin sa digital privacy na nagaganap sa blockchain sa paglipat nito sa Web3.

Mga pribado at mga personal na impormasyon, ang pagiging konpidensyal, ,indibidwal na kontrol ng impormasyon at data sovereignty ay ang pangunahing ipanagmamalaki sa Web3, ngunit ang mga pampublikong blockchain tulad ng Ethereum ay hindi kayang makapag bigay ng simpleng lebel ng Pribasiya.

Isang halimbawa, Kung gusto mong gumamit ng decentralized ID sa Ethereum at makipag-ugnayan sa isang DApp na kinakailangan ma i-verify kung saang bansa ka nakatira, ito’y posible , at may katuturan itong maging isang use-case kung iisipin. Gayunpaman, kailangan mo ring tanggapin na ang lahat ng iyong iba pang personal na impormasyon ay makikita ng publiko sa chain, kung gusto mong mapanatili ang integridad mo on-chain dahil sa smart contract execution.

Ang mga iba pang sensitibo at personal na data ay kailangang maging pampubliko kung ang blockchain ay ginamit sa ibang mga sektor, katulad ng healthcare. Kung ang isang healthcare DApp ay ginawa sa isang pampublikong chain, ang lahat ng iyong personal na data ay kailangang maging pampubliko kung ang data wala sa off-chain, katulad ng mgaimpormasyon na karaniwang nakalaan lamang para sa iyong doktor; ganap na sumisira sa pagiging kumpidensyal ng kliyente.

Ito ang dahilan kung bakit ginawa namin ang Sapphire, ang una at natatanging confidential EVM-compatible runtime sa industriya. Gamit ang Sapphire, maaaring magawa ang mga kumpidensyal na smart contract para panatilihing pribado ang sensitibong data, pinansyal na impormasyon at anumang makikilalang pribadong impormasyon, na nagbibigay-daan sa isang bagong hanay ng use cases na nababagay sa Web3.

Idagdag pa, maaari kaming tumangap ng malaking mga grupo ng mga builders ng blockchain sa Web3 sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa kanila na kunin ang pag kakataon na bumuo ng mga kumpidensyal na DApp sa Solidity.

Ngutin may nanatiling tanong, anong pwede itayo gamit ang Sapphire?

Sa ibaba, ipapaliwanag namin ang mga use cases para sa Confidential runtime na pamilyar and popular sa maraming blockchains developer, mula sa Defi papunta sa Gaming,NFTs, DID at Social.

Palawakin ang Web3 DApps

Sa kaloob-looban, binibigyang-daan ng Sapphire ang mga developer na bumuo ng mga Smart contracts na nagpapanatili ng mga pribadong aspeto ng estado. Depende sa kung aling mga aspeto ang pipiliin ng developer na panatilihing pribado, ang mga contracts ay maaaring buuin upang saklawin ang kabuoang spectrum ng Confidentiality , mula sa pampubliko hanggang sa ganap na kumpidensyal.

Ang Sapphire ay isang mabisang kasangkapan para sa mga developer ng Solidity at maari nitong mapalawak kung anong mga uri ng Web3 DApps ang maiitayo.

DeFi

Ang pagdagdag ng pagiging kumpidensyal sa DeFi ay nagbibigay-daan sa mga novel feature na matagal ng hinahangad sa komunidad ng Web3.

Sa kasalukuyang EVM, maaaring buksan ng sinumang nagnanais ang kanilang block explorer at makita ang interaksyon sa isang partikular na wallet sa DEX Smart Contract at pakikipag -palit — at makita kung ano ang na-trade.

Sa DEX sa Sapphire, posibleng panatilihing pribado ang ilang aspeto ng mga transaksyon. Maaari mong itago ang mga slippage parameter set at gumawa ng MEV-resistant DEX sapagkat walang pagkakataon na mag karoon ng Sandwhich attack sa mga ito.

Ang DeFi ay maganda ding ipag sama sa isa pang use case ng Sapphire — Decentralized ID (DID). Sa pagamit ng DID information, tulad ng credit score, sa blockchain, ang desentralisadong pag papahiram ay nagiging mapabuhay at mas nakakaakit sa malawak na merkado. Sa mga kasalukuyang pampublikong blockchain, ang ganitong uri ng pagpapahiram ay hindi pa kanais-nais dahil sa ayaw ng tao mailabas ang private credit score tungkol sa kanila papunta sa blockchain upang makita ng lahat.

Gamit ang Sapphire, desentralisadong pagpapautang ay nagiging mas praktikal dahil ang data ay maaaring maging ganap na kumpidensyal at sa gayon ay nagbibigay-daan sa mga natatanging lending protocol nanagaalok ng mga undercollateralized na pautang. Naniniwala kami na ang Sapphire ay nagbibigay-daan sa DeFi na lumago sa susunod na antas at lumampas dito.

Gaming

Maraming bagay ang maidaragdag sa sektor ng gaming ng Web3 sa pagsama ng confidentiality, dahil ang karamihan sa mga sikat na laro sa Web2 ay may ilang pribadong bahagi. Kahit sa simpleng card game ay ipinapalagay na hindi makikita ng isang manlalaro ang mga card ng iba pang manlalaro.

Ang blockchain ay nagagamit bilang isang paraan upang gawing patas ang mga card game at laro na nakabase sa swerte dahil sa transparency nito. Gayunpaman, ang transparency iyon ay maaaring gamitin upang magbigay ng hindi patas na kalamangan sa ibang mga manlalaro kung ang card game ay mananatiling on-chain.

Upang mapanatili ang transparency, at panatilihing lihim sa gaming at mga laro na nakabase sa swerte, karamihan sa mga ito ay kailangang lumipat sa mga off-chain environments. Ito ay may mga trade-off dahil kapag ang mga kumpidensyal na aspeto ay inilipat sa mga off-chain environments, mawawala ang integridad na inaalok ng blockchain.

Mayroong desentralisasyon, at mga benepisyo na kasama ng pagkakaroon ng mga Web3 na laro na on-chain. Sa Sapphire, ang mga laro sa Web3 ay hindi na kailangang gawin ang mga trade-off na ito dahil ang data ay maaaring pribadong maitago on-chain.

NFTs

Ang mga NFT ay naiitatag ang kanilang mga sarili bilang isang mahalagang parte ng blockchain at crypto ecosystem, pati ang pagiging bahagi nito sa ating digital na buhay. Gayunpaman, tulad ng anumang bagong sektor ng Web3, nagkaroon ng ilang alitan sa user experience. Ang isa sa mga alitang ito ay tungkol sa pag mint ng NFT.

Kapag ang isang sikat na koleksyon ng NFT ay na i mint, madalas mayroong traffic sa blockchain at, samakatuwid, ang gas ay nasasayang habang ang mga tao ay nag aagawan upang i-mint ang koleksyon.

Ang isang halimbawa nito kamakailan ay ang Yuga Labs Land Sale sa kanilang “Otherside” Metaverse game. Ang pag mint ay nito ay lumikha ng ilan sa pinakamataas na gas fee sa kasaysayan ng Ethereum network: Ang mga inbestor ay gumastos ng mahigit $176 milyon sa mga fees lamang sa unang 24 na oras.

Sa ngayon, wala pa ring magandang paraan para gumawa ng NFT mint sa mga EVM chain na patas at hindi nagreresulta sa mga gas war.

Maaaring makatulong dito ang feature Confidentiality ng Sapphire. Sa pag gamit Confidentiality, maaaring i-deploy ang mas sopistikadong mga mekanismo ng auction, tulad ng mga pangalawang price auctions o kaya candlestick auction, na nagbibigay-daan para sa hindi magulo at mas patas na mekanismo ng pag mint at auction para sa mga benta ng NFT.

Nag-aalok din ang Oasis ng Mga Kumpidensyal na NFT sa Sapphire. Ang mga NFT na ito ay nagbibigay ng karagdagang functionality at use case para sa mga NFT patungo sa isang Web3 world. Halimbawa, ang mga Kumpidensyal na NFT ay ipinakita rin ng artist at mathematician na si bishop, sa kanyang Confidential na koleksyon ng NFT: Army of Minions. Dito sa koleksyon na ito, ang mga may ari ng NFT na ito ay may access sa nakapaloob na mathematical function na ginamit upang malikha ang kanilang Minions, nakatago sa pribadong data.

Desentralisadong Pagkakakilanlan

Maaaring mabago ng desentralisadong pagkakakilanlan ang space sa Web3 dahil magagamit ang mga pagkakakilanlan ng mga tao sa buong internet nang walang takot sa isang panghihimasok sa kanilang pribasya.

Gamit ang DID, maaaring i-whitelist at gawing kredensyal ng DApps ng mga user na hindi sila nailalagay sa panganib. Sa kasalukuyan, sa mga pampublikong blockchain, sobrang hirap na ipatupad ang DID dahil kadalasan ang data na kailangan ay sensitibo. Ang mga halimbawa nito ay mga pangalan,edad, address, pananalapi, atbp., na maaring hindi gustong ibahagi ng users sa kanilang wallet upang makita ng lahat.

Ang isang malakas at secure na DID system ay nagbibigay-daan sa pagsulong ng Web3, lalo na kapag ipinares sa confidential EVM compatibility.

Sosyal

Ang mga social application ay makakakinabang nang malaki mula sa Web3, ngunit wala pa kaming nakikitang dahilas sa pag-aampon nito. Karamihan sa mga ito ay dahil sa mga isyu sa pagbuo ng isang tunay na desentralisadong Web3 social platform.

Ang pagiging kompidensiyal ng Sapphire ay maaring lumutas ng mga problemang ito. Sa mga application tulad ng Facebook o Twitter, ang isang pinaka tampok ay ang kakayahang gawing makikita lamang ang iyong mga detalye sa piling mga partikular na tao. Kasalukuyang hindi ito posible sa isang pampublikong blockchain — hindi mapipili ng mga user kung sino ang makakakita at hindi makikita ang kanilang profile o content.

Gamit ang Sapphire at mga confidential smart contract, nagiging posible ito dahil maaaring panatilihing nakatago ng mga smart contract na ito ang ilang aspeto depende sa mga nakatakdang parameter.

Hindi lang ito limitado sa social media. Nagiging posible rin na kopyahin ang mga pay-walled content platforms tulad ng Patreon sa pamamagitan ng parehong mga panuntunan nito.

Lumikha sa Web3 EVM developers

Ang may mga potensyal na use case para sa confidential DApps ay tuloy tuloy na dinisikubre, at hindi pa natin nakikita ang dulo nito, Ang malinaw ay may pangangailangan ng confidentiality sa teknolohiya ng Web3. Ang kasalukuyang estado ng mga pampublikong blockchain, lalo na ang EVM chains kung saan maraming developer ang nagtatayo, ay hindi nagpapahiram sa Web3.

Gamit ang Sapphire, nagbubukas kami ng bagong mundo ng mga posibilidad para sa blockchain na lalawak sa Web3, ngunit ginagawa namin ito sa suporta ng mga Solidity Developer. Kung gusto mong maging isa sa mga unang bumuo ng isang confidential na DApp sa Solidity, pumunta sa aming Keep it Confidential Hackathon page dito!

Kayo’y sumali sa aming Discord and follow nyo kami on Twitter!

--

--