Oasis 2022: Isang Taong Pagsusuri

Elise
Oasis Foundation Filipino
9 min readDec 30, 2022

--

Disclaimer: Ang paglalathala na ito ay pagsasalin ng Ambassador ng Oasis. Mahigpit na sinuri para makapagbigay ng tamang pagsasalin, ngunit maaaring magkamali at magkulang. Hindi mananagot ang Oasis sa kawastuhan at kahusayan nito. Basahin ang orihinal dito.

Sa kabila ng maligalig na taon ng Web3, nagkaroon ng makabuluhang paglago sa pakikipagsosyo, komunidad at ecosystem ang Oasis Network. Kami ay patuloy na bumubuo ng mga primitive sa Web3, sa paniniwala na ang pinakamakahulugang pag-unlad ay nangangailangan ng pag ibig, dedikasyon at tiyaga. Kami ay nasasabik na ibahagi ang mga milestone na aming nakamit noong 2022!

Ang privacy ay mahalaga sa malawakang paggamit ng teknolohiya ng blockchain. Noong 2022, ginawa namin ang mga hakbang sa pagbibigay ng mga solusyon sa industriya ng Web3 at mga pangunahing kasosyo sa Web2.0 sa paggamit ng privacy upang makinabang ang mga gumagamit.

Sa paglunsad ng Sapphire ParaTime, nakita namin ang unang kumpidensyal na dApps na binuo sa Solidity ng Oasis. Ang Oasis Privacy Layer ay ipinakilala rin namin, upang ang mga developer ay makapagdagdag ng mga dApp sa anumang chain ng EVM ng mga elemento ng privacy habang pinapanatili ang user experience. Noong Hulyo 2022, inanunsyo namin ang aming pakikipagsosyo sa Meta para mapabuti ang pagkapantay pantay sa mga modelo ng AI, at noong Oktubre 2022, inanunsyo namin ang aming pakikipagsosyo sa Equifax upang bumuo ng unang on-chain na KYC-identity solution ng Web3. Nangunguna kami ng mga nakaka-engganyong Hackathon, na may kaugnayan sa mga komunidad ng Web3 sa buong mundo sa mga pinakamahalagang kaganapan sa industriya, at nagdulot ng kasaganaan sa buong network.

Nakamit ng Oasis ang mataas na paglago noong 2022, at hindi na kami makapaghintay sa kung ano ang darating sa 2023. Habang papalapit tayo sa bagong taon, maglaan tayo ng ilang sandali upang balikan ang lahat ng ating nakamit — ng magkasama — nitong nakaraang labindalawang buwan.

Produkto at Teknolohiya

Ang Sapphire ang naging crown jewel namin ngayong taon. Ang kauna unahang confidential EVM ParaTime sa industriya na nagbago ng laro ng mga developer ng Solidity, na nagbibigay sa kanila ng kakayahan na bumuo ng mga dApp na may privacy sa isang iglap.

Ang Oasis Privacy Layer ay ginagamit din ng Sapphire — kahit anong dApp, sa anumang EVM chain, ay may privacy at makapagbigay ng pagka kumpidensyal sa mga gumagamit ng walang katulad, ang lahat sa loob ng wala pang labinlimang minuto nang hindi nangangailangang maglipat ng cross-chain.

Sapphire: ang Unang Confidential EVM ParaTime sa Industriya

Bago ang Sapphire, ang kulang sa mga binubuong dApp sa mga EVM chain ay ang privacy. Ito ay nalutas namin sa pamamagitan ng paggawa ng unang EVM-compatible na runtime sa industriya para sa mga developer na bumuo ng mga kumpidensyal na dApp gamit ang lahat na mga kagamitan na pamilyar sa kanila.

Basahin pa

Ang Oasis Privacy Layer, Pinapatakbo ng Sapphire

Sa paglikha ng unang kumpidensyal na EVM-compatible runtime sa buong mundo, ang layunin namin ay hindi lamang para bigyan ng lakas ang mga developer sa Oasis kundi pati ang industriya sa pangkalahatan. Ang bumuo ng mahusay na internet ang aming misyon, na nangangailangan ng interoperability. Upang ang buong EVM blockchain ecosystem na may privacy ay mapalakas, ang Oasis Privacy Layer ay ipinakilala namin. Ang Oasis Privacy Layer ay nagbibigay ng anumang dApp, sa anumang EVM chain, ng pahintulot sa teknolohiya na pinagana ng privacy ng Oasis.

Basahin pa

Mga Confidential NFT: Pagpaparami ng NFT Functionality

Isang makabagong pagbabago ang Confidential NFTs sa Oasis para mapahusay ang paggagamitan ng mga NFTs. Noong Marso 2022, inanunsyo namin ang pakikipagsosyo sa Genetica, isang nangungunang kumpanya ng genomics, para bumuo ng mas magandang ekonomiya ng data. Naging tanyag na natatanging teknolohiya sa Emerald ang Confidential NFTs, na isinama sa mga proyekto tulad ng Mbuddy, Geniish protocol, Seibera NFT, at ang Leviathan’s Curse NFT.

Basahin pa

Oasis Network: Damask Upgrade

Ang aming matagumpay at ganap na pagtanggap na pangunahing pag-update ng protocol ay nagpahusay sa seguridad at pagganap ng Oasis Network, ang mga mekanismo ng pamamahala ay pinatibay, at pinalawak na desentralisasyon — ang lahat na ito ay ikinatuwa ng komunidad sa network ngayon.

Basahin pa

Ecosystem

Ang ilan sa mga pinakamalaking kumpanya sa mundo ay malugod naming tinanggap sa ecosystem, kabilang ang Meta at Equifax, lahat ay sabik na gamitin ang teknolohiya ng Oasis upang malutas ang kanilang mga pangangailangan sa privacy.

Ang aming ecosystem fund ay lumago mula 160 milyon dolyar hanggang 235 milyon dolyar na sinusuportahan mula sa mga bagong kasosyo, na lalong nagpapatibay sa aming dedikasyon sa pagbibigay lakas sa mga developer ng Web3 at sa susunod na henerasyon ng mga makabagong Web3.

Ang mga bagong integrasyon na may malakas na mga protocol at tool ng blockchain tulad ng Covalent at Band Protocol ay pinahusay ang mga developer at mga karanasan ng gumagamit ng mga proyektong binuo ng komunidad sa Emerald at sa iba pang bahagi ng network.

Mga pakikipagsosyo

Ang Oasis Labs ay nakipagsosyo sa Meta para masuri ang pagkapantay pantay ng mga modelo nitong AI

Ang Meta at Oasis Labs ay nagtulungan para sa isang kakaibang pangunguna na nagbibigay-daan sa pagsasama at pagiging patas sa mga modelo ng AI.

Basahin pa

Panoorin ang video: A Closer Look at the Oasis Labs & Meta Partnership Using Cutting-edge Privacy Technologies

Basahin ang Media Coverage:

Organizations look toward multiparty computation to advance Web3 — Cointelegraph

Instagram will start asking some users for their race and ethnicity — The Verge

Ang Oasis Labs ay nakipagsosyo sa Equifax para bumuo ng KYC Solution para sa Web3

Ang Equifax ay humiling ng suporta sa Oasis Labs upang magkasamang bumuo ng solusyon sa Web3 na ‘know your customer’ (KYC) upang magbigay ng isang matatag, na may paghimok sa blockchain na pamamahala ng pagkakakilanlan at solusyon sa pagpatunay.

Panoorin ang Video: Oasis Labs Partners with Equifax to Build the First KYC Solution for Web3

Basahin ang Media Coverage:

Oasis Labs and Equifax turn to blockchain to verify Web3 user identities — VentureBeat

Equifax and Oasis partnering to build ‘privacy first’ on-chain KYC solution — Fortune

Ang pagkikipagsosyo ng Vietnamese Prime Minister at Government Support Genetica at Oasis Labs

Ang Genetica ay nakikipagsosyo sa Oasis Labs para gamitin ang Confidential NFT para bumuo ng mas magandang ekonomiya ng data.

Basahin pa

Inilunsad ng Oasis Foundation at mga kasosyo ang Universal Privacy Alliance

Ang dedikasyon namin sa pagprotekta ng privacy bilang karapatang pantao ay pinalawak namin sa paglulunsad ng Universal Privacy Alliance, sa pakikipagtulungan sa p0xeidon labs, Manta Network, Nym Technologies, Secret Network, Orchid, Railgun, at Status.

Basahin pa

Ang Oasis ay bahagi ng Blockchain Game Alliance

Ang paglalaro sa Blockchain ay ang pinakamabilis na lumalagong sektor sa Web3, at isa sa pinaniniwalaan namin na makakapagdala sa amin sa isang ekonomiya ng paglalaro na pagmamay-ari ng gumagamit. Kami ay nasasabik na maging bahagi sa Blockchain Game Alliance.

Basahin pa

Ang Ecosystem Fund ay Lumago mula 160 milyon dolyar hanggang 235 milyon dolyar

Nakatuon sa pagpapaunlad ng Web3 ang Oasis salamat sa Ecosystem Fund, na mas lumaki ng 235 milyon dolyar kasama ang mga bagong tagasuporta.

Basahin pa

Mga Proyekto ng Komunidad

Hackathons

Ang mga hackathon ay nagbibigay sa amin ng pagkakataong ibahagi ang aming malakas na teknolohiya sa mga tagabuo ng Web3. Libu libong aplikasyon ang sinuri namin sa tatlong pangunahing Hackathon panteknikal at natutuwa kaming matunghayan ang kagalakan ng developer sa pagbubuo sa Oasis.

Ang pinakamagandang konsepto ay nabubuo sa pakikipagtulungan, kaya naman ay nagpasimula kami ng hackathon sa komunidad ng hindi panteknikal na nagpapakita na mga ideya sa mga bagong dApp mula sa mga manlilikha, baguhang mga developer, at mga mahilig sa Web3. Ang Community Concepts Hackathon ay nagpakita ng napakahusay na mga paggamitan sa labas ng Sapphire.

‘Keep It Confidential’ Hackathons

Ang Sapphire Hackathon na ito ay nag-alok ng pagkakataon sa mga pangkat ng developer na lumikha ng unang confidential na dApp sa buong mundo na binuo sa Solidity, at ang aming nangungunang tatlong kalahok ay pinapakita kung gaano kalakas ang ParaTime na ito.

Ang P2P platform ng ARX para sa on-at off-ramping fiat sa Web3 na nakakuha ng unang papremyo, sa pagpapakita kung paano ito magagawa sa isang desentralisadong paraan nang hindi nangangailangan ng mga sentralisadong tagapamagitan. Ang ARX ay gagamitin ang Sapphire para maibigay sa mga gumagamit ng ptotocol ang mga kasiguraduhan sa privacy at seguridad na nakasanayan na nila sa mga sentralisadong fiat on/off ramp.

Ang momentum ang isa sa kabilang. Ang Momentum ay isang on-chain at ganap na confidential messaging service na inaasahang para sa malawakang paggamit. Ang Momentum ay ginagamit sa pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe papunta at mula sa mga wallet address sa isang confidential na kaugalian. Pinapanatiling naka encrypt ng Sapphire ang mga mensahe na ito hanggang buksan ang mga ito sa Momentum.

Panghuli, ang On-Chain ID. Pinapayagan ng on-chain ID na mag-imbak ng personal na impormasyon ang mga gumagamit, gaya ng mga profile sa social media, on chain pati na rin ang kakayahang magbigay/bawiin ang karapatan sa mga third party. Ang mga confidential na katangian ng Sapphire ay nagbibigay-daan sa on-chain ID na maging ganap na on-chain at desentralisado nang walang mga tagapamagitan habang tinitiyak na makikita lamang ng gumagamit ang mga data na gustong ibahagi.

Basahin pa

Bloom Hackathon

Ang Bloom Hackathon ay naghikayat ng higit isang libong matataas na kalidad na pagsusumite na magbuo sa aming EVM-compatible ParaTime, Emerald.

Basahin pa

Ang Community Concept Hackathon

Bumaling kami sa aming komunidad upang bigyang pansin ang mga potensyal na paggagamitan nang Sapphire. Nagbigay ng maraming makabagong ideya ang aming komunidad, gaya ng selyadong bid na mga pagsusubasta ng NFT na nagpapahusay sa ilan sa hindi magandang karanasan ng gumagamit na kadalasang makikita sa mga kaganapang ito at isang crypto-reward music video streaming service, sa hindi panteknikal na Hackathon na ito.

Basahin pa

Gitcoin Hackathon

Ang aming teknolohiya ay dinala namin sa mga tagabuo sa Gitcoin at hinamon na bumuo sila ng isang masayang mini-game na may mga on-chain na katangian sa Emerald ParaTime.

Basahin pa

Mga kaganapan

Sa nakalipas na taon, inuna naming dumalo sa higit pang mga kaganapan at makipagkita sa iyo nang personal. Nag-host kami ng maraming insightful na pag-uusap sa mga crypto conference at developer meet-up sa buong mundo.

Oasis Developer Meetup sa San Francisco Blockchain Week

Basahin pa

Ipinapaliwanag ng Oasis ang Hinaharap ng DeFi at Web3 sa Full House sa Consensus 2022.

https://youtu.be/bj76KmXynNk

Panoorin ang videoWhat’s Next for DEFI and Web3? | Consensus 2022

Nagsalita si Prof. Dawn Song sa Crypto Economics Security Conference

https://youtu.be/kCqrd1MQ1no

Panoorin ang Video: Crypto Economics Security Conference Day 1 Morning Session — ika-31 ng Oktubre, 2022

Si Prof. Dawn Song ay nagsasalita tungkol sa Kinabukasan ng Self-Sovereign Identity at Data Sovereignty

https://youtu.be/lW_Arwh-rG8

Panoorin ang Video: Future of Self-Sovereign Identity and Data Sovereignty | Dawn Song sa SmartCon 2022

Tinatalakay ni Prof. Dawn Song ang Academia sa Web3 sa Messari Mainnet

https://youtu.be/ERd7zUd0wS0

Panoorin ang Video: From Academia to Web3 —Messari Mainnet 2022

Nagtatanghal si Linda Lu sa Decentralized Data Science at Data DAO for Public Good sa ETHDenver

https://youtu.be/CvrM4c2cOIA

Panoorin ang Video: Decentralized Data Science and Data DAO for Public Good — Linda Lu

Para sa 2023!

Ang nakaraang taon ay nagdala ng maraming panalo para sa Oasis Network, Ecosystem, at Komunidad. Kami ay nasasabik na magpatuloy sa pagbuo sa 2023. Narito ang aming mga pangunahing layunin para sa bagong taon:

  • Ang Paglulunsad ng Oasis Privacy Layer sa mga developer sa Mainnet
  • Mga developer ng Solidity sa lahat ng EVM network na ginagamit ang Oasis bilang isang privacy layer.
  • Iba pang mga pagkakataon upang matugunan ang komunidad — mga pagkikita-kita, pag-uusap, at workshop sa mga conference tulad ng ETHDenver, Consensus at Web Summit
  • Mga grants, hackathon at aktibidad na nag-aalok ng patuloy na pag unlad ng developer at suporta.

--

--