Ipinaliwanag ng Oasis ang Kinabukasan ng DeFi at Web3 sa Buong Kabahayan sa Consensus 2022

Ladybitecoin
Oasis Foundation Filipino
4 min readJul 16, 2022

--

Kami ay nasiyahan sa maunlad na presentasyon sa Consensus 2022 bilang napuno ng Oasis Network ang lugar, ay marami paring tao na nakahanay sa labas, para maging parte ng aming pagpupulong. Mula sa kabuuan na pananaw ng Oasis Network, na itinakda ni Linda Lu, Lider ng Ecosystem sa Oasis, sa pag turo ng pag-gamit ng Web3 sa Oasis, at namuhunan sa fireside chat kasama ang nagtatag ng Oasis Labs, na si Dawn Song, ang Oasis ay talaga naman gumawa ng tunay na pambihirang mahalagang okasyon.

Disclaimer: Ang paglalathala na ito ay pagsasalin na ginawa ng Ambassador ng Oasis. Masuring pagsisiyasat ang ginawa para makapagbigay ng tamang pagsasalin, ngunit maaring magkamali o magkulang. Hindi mananagot ang Oasis sa kawastuhan at kahusayan nito. Basahin ang orihinal dito.

Ano ang tinalakay?

Si Linda Lu, Lider ng Ecosystem sa Oasis, ay ipinahayag sa sesyon ang pangkalahatang-ideya ng Oasis Network, pinag-uusapan na ang Oasis ay isang kritikal na haligi sa pag-usbong ng Web3, at kung paano nito ihayag ang buong potensyal sa kinabukasan ng DeFi.

Itinilakay ni Linda ang Mga Kumpidensyal na NFT sa Oasis — data-backed NFTs kung saan naghahandog ng mas maraming gamit o higit pa sa alam natin ngayon na mga digital asset. Ipinamalas niya ang bishop’s Army ng Minions bilang halimbawa kung paano ang pribadong data na nakalaan sa NFT na ito ay maaring maging mabisang gamit ng mga NFT.

Para marinig ng diretso mula kay Linda, pati na rin sa demonstrasyon ng Confidential na mga NFT mula kay Nikhil Sharma, Engineering Manager sa Oasis Labs, iclick lamang ang video na ito: Ano ang mga Confidential NFT? | Consensus 2022

Sinuri din ni Linda kung ano pa ang susunod na ating aasahan sa isang desentralisadong samahan, katuwang ang Emerald ParaTime, Cipher Paratime at nalalapit na kumpidensyal EVM Paratime. Bahagi nito ang desentralisadong ID, pribadong DeFi, bagong mga asset — kasama ng Kumpidensyal na mga NFT, data tokenization, at mga data asset — gayundin ang kahalagahan ng Data DAOs.

Pakinggan ang kabuuang sesyon mula kay Linda, kami ay may video link upang mapanuod niyo: Ano ang susunod sa Defi at Web3? Consensus 2022

Lalong lumakas ang kagalakan sa sesyon na ito, na humantong sa sentro ng pokus ng workshop — ang fireside chat. Si Rachel Wolfson, Senior Reporter sa CoinTelegraph, ay may banayad na pag-uusap sa pagitan ni Dawn Song, Oasis Labs Founder, Haseeb Qureshi, Managing Partner sa Dragonfly Capital, at Kanav Kariya, Pangulo sa Jump Crypto. Pinag-usapan nila ang tungkol sa ano pa ang kailangan para magtagumpay sa larangan ng crypto at ano pa ang susunod sa Defi at Web3.

“Bias ba ang algorithm ko?” Handog

Si Dawn Song ay sumali din bilang tagapagsalita sa “Bias Ba ang Algorithm Ko? The Imperative of Inclusion for Crypto”handog sa sentro ng entablado ng Austin Conference Center, kung saan pambihira ang kinalabasan nito.

Bakit ang Oasis ay isang destinasyon para sa pagbuo ng Web3?

Ang Oasis Network ay masigasig sa paggawa na maging isang unang destinasyon sa pagbuo ng Web3 ngayon, at sa hinaharap. Sa pagpapahalaga nito sa pribado, at mabisang multi-layered arkitektura, ang Oasis Network ay kayang magtaguyod ng maraming proyekto sa gustong maging arkitekto ng bagong internet. Ang Emerald, ang EVM compatible Paratime, ay may mabilis na integrasyon sa EVM-based Dapps, tulad ng DeFi, NFTs, Metaverse, at crypto gaming. Dagdag pa rito, kami ay magbibigay ng kagamitan para sa mga developers na gustong magkaroon ng advanced features at aplikasyon na mahusay mag trabaho sa sakop ng desentralisadong network, kasama ang:

  • Scalable, maasahan, at mahusay na arkitektura
  • Parallel Workloads
  • Mahusay na disenyo

Istruktura sa Oasis

Kung interesado ka sa pagbuo ng iyong proyekto sa Oasis, maaaring mag apply ng pagpopondo sa aming $235 Million Ecosystem System Fund at BLOOM Grants na programa para matulungan ka na makapagsimula. Mangyaring iclick lamang ito para basahin ang aming developer resources.

--

--