Ang Dakilang Levana Primer

Maligayang pagdating sa Levana; Mayroon kaming mga dragon at cookies

Levana Tagalog
13 min readMar 13, 2022

(ang mga cookies ay hiram lamang, nakita ang mga larawang ito ng isang intern sa cool food blog)

Ang Levana ay ang pinakaambisyosong DeFi/P2E/NFT na proyekto sa lahat ng crypto. Ito ay nangyayari sa pinakamahusay na blockchain na may pinaka-dedikadong komunidad: Terra.

Ang aming layunin ay para madala ang 100M mga bagong kasali sa crypto at Defi sa pamamagitan ng pagkuha ng atensyon at imahinasyon ng mga manlalaro, kolektor, at mahilig sa DeFi gamit ang pagkukuwento at pakikipagsapalaran.

Ang Kuwento Hanggang sa Ngayon

Ang aming NFT mint ay isang patas na paglulunsad ng meteor shower. Ito ang pinakamalaki at pinakamatagumpay na mint sa Terra, na may mahigit na 41,000 meteor na nilikha at higit sa 6,300 na mga kalahok.

Ang mga bulalakaw o meteors ay mula sa iba’t ibang grupo ng mga pambihira: karaniwan, bihira, sinauna at maalamat.

Sa ngayon ay maaari kang makakuha ng bulalakaw mula sa mga secondary markets tulad ng RandomEarth.io at Knowhere.art.

Maraming mga kalahok ang nagbabasag ng kanilang mga bulalakaw sa mga cracking station. Maaari ka ring magbasag ng mga bulalakaw sa mga cracking stations sa iyong kuweba dito: dragons.levana.finance

Sa loob ng bulalakaw ay maaaring matagpuan ang isang itlog ng dragon o kaya naman ay isang mahiwagang alikabok ng bulalakaw o meteor dust.

Ang mga itlog at alikabok, tulad ng mga meteor, ay may iba’t ibang antas ng kaibahan.

Ang nais namin ay magkaroon ng isang pinag-isang sukatan sa lahat ng iba’t ibang uri ng mga NFT na ginagawa namin. Kaya naman gumawa kami ng sukatan na tinatawag na Spirit Level. Ang Spirit Level ay nagmula sa mga donasyon sa Levana sa panahon ng orihinal na meteor shower o pag-ulan ng mga bulalakaw.

Dahil dito, nagiging mas madali ang pagsuri sa iba’t ibang NFT sa mundo ng Levana. Ang ilang mga NFT ay naibubunyag ang kanilang Antas ng Espiritu o Spirit Level, at ang ilan naman ay nangangailangan ng mga manlalaro na magsagawa ng mga aksyon upang ihayag ang Antas ng Espiritu [tulad ng meteor at itlog].

Ang ilang NFTs, tulad ng Talisman, ay makakakuha ng Spirit Level batay sa mga aksyon ng manlalaro sa paglipas ng panahon.

Sa ngayon, halos lahat ng P2E blockchain na laro (tulad ng DeFi Kingdom at Axie Infinity) ay binuo sa isang AMM, na isang sikat na uri ng DeFi Exchange.

Ang Levana ay isang umuusbong na karanasan sa laro na binuo batay sa isang walang hanggang pagpapalit, na may malaking pakinabang na pinansiyal sa mga manlalaro sa isang AMM.

Ano ang kuwento sa likod ng laro?

Ang aming istorya ay magaganap sa halos 500 taon sa hinaharap. Ang mundo ay nawasak dahil sa polusyon at mga digmaan. Ang tanging pag-asa ng sangkatauhan ay nakasalalay sa iyong mga kamay bilang mga desyendente o mga naiwan ng orihinal na kolonya ng mga Martian.

Ang mga dragons ay naglitawan na naging sanhi ng pagkakagulo sa pampulitikang kalagayan. Idagdag pa rito ang pagkabuo ng apat ng paksyon. Ang Konseho (Council), mga Tagabantay (Guardians), mga Terrans, at mga Malalayang Martians.

Ang kapangyarihan ng Komunidad

Ang nakaakit sa amin sa Terra ay ang matatag na algorithmic coin na UST. Napamahal sa amin ang Terra ecosystem dahil sa mayaman at kaakit-akit nitong komunidad. Kami ay galak na galak na imbitahan ang mga may hawak ng NFT blue chip Terran NFTs upang sumama sa aming pakikipagsapalaran. Inaprubahan ng pamayanan ng Levana ang isang governance vote upang madala ang Galactic Punk sa laro.

Paano magsimula

Ang iyong misyon: Sumali sa Faction War at laruin ang P2E mini games upang makapagdala ng mga puntos sa iyong paksyon sa digmaan sa hinaharap ng mga Dragon sa Mars.

Maaari kang lumahok sa paglalaro ng buong laro. Simulan ito sa pagpisa o pagbasag ng bulalakaw o kaya ay dumiretso ka na sa panimulang laro sa Faction War (kailangan mo rito ng Terra wallet).

Maikling Bersyon:

Hakbang 1: Kumuha ng Talisman mula sa Airdrop (tungo sa iyong GP wallet address) o bumili sa Randomearth.io or Knowhere.art

Siguruhing ma-withdraw ito sa tinatawag na holding contract kung nakuha mo ang Talisman sa Random Earth. Upang magawa ito:

  1. I-click ang iyong wallet sa kanang sulok sa itaas
  2. I-click ang My Items
  1. I-click ang NFT na nais mong i-withdraw
  2. I-click ang Withdraw

Hakbang 2: Kumpletuhin and panimulang paghahanap para sa iyong Faction sa pamamagitan ng pagtalo sa Salim’s adventure

Hakbang 3: Itaya ang Talisman at sumali sa Faction (https://factions.levana.finance)

Hkabang 4: Sumali sa iyong Faction’s Discord Channel at sundan ang kanilang Twitter account:

Malayang (Free) Martians

Discord: https://discord.gg/NPAU9h3vZD

Twitter: https://twitter.com/Levana_FreeMars

Terrans

Discord: https://discord.gg/AGqNwfcqZ3

Twitter: https://twitter.com/Levana_Terrans

Guardians

Discord: https://discord.gg/SWSgNwUzfJ

Twitter: https://twitter.com/Levana_Guardian

Ang Konseho (Council)

Discord: https://discord.gg/tdE64W6rHU

Twitter: https://twitter.com/Levana_Council

O maaari ring laruin ang buong laro:

Hakbang 1: Basahin ang lore

Hakbang 2: Kumuha ng ilang bulalakaw (o lagpasan ito sa pamamagitan ng pagbili ng Egg)

Hakbang 3: Basagin ang iyong mga bulalakaw https://meteors.levana.finance ;alamin ng higit sa:

Hakbang 4: Pugaran ang mga itlog:

Hakbang 5: Piliin ang iyong Faction: https://factions.levana.finance/

Hakbang 6: Laruin ang Salim’s Side Scroll Adventure dito: https://bit.ly/SalimsAdventure

Hakbang 7: Sumali sa iyong Faction’s Discord Channel at sundan ang kanilang Twitter account

FAQ

Mayroon bang magandang video na mapapanood para makapagsimula sa Faction War?

Ano ang kaugnayan sa pagitan ng Levana at Defi Kingdom?

Walang pormal na ugnayan maliban sa lubos kaming nasisiyahan sa pangkat, sa pagpapatupad, at sa produkto mismo.

Makikita mo ang iba pang detalye ng aming mga plano at nasa isipan tungkol sa DFK dito.

Bumili ako ng NFT ngunit hindi ko ito makita sa Levana site. Ano na ngayon?

Kung binili mo ang NFT sa Random Earth.io, kakailanganin mong bawiin ito mula sa hawak na kontrata sa Random Earth. I-click lamang ang “Aking Account”, at bawiin ito mula doon. Tingnan ang mga tagubilin sa itaas.

Sinusubukan kong kumpletuhin ang isang transaksyon, ngunit nagbibigay ito ng isang error. Anong mali?

Maaaring ito ay isang error o pagkakamali sa transaksyon; i-reload ang page. Maaari rin naman na wala kang sapat na UST o LUNA para sa mga bayarin sa gas. Ang mga bayarin sa gas sa Terra ay binabayaran sa UST; karaniwang ilang sentimo. Ang mga bayarin ay binabayaran sa LUNA sa Random Earth.

Baguhan pa lang ako sa Terra, paano ako magkakaroon ng wallet upang makbili ng Luna o UST?

Ang unang hakbang ay kumuha ng Terra wallet; maaari kang mag-download ng isa mula sa https://station.terra.money/

O kaya naman ay idagdag ang Terra station wallet sa Chrome browser extension. Sa sandaling magkaroon ka na ng wallet, maaari kang makakuha ng UST at/o Luna ng paulit-ulit UST and/or Luna sa ilang palitan;Ang Kukoin ay isang magandang halimbawa. Maaari ka ring kumuha ng Ethereum at balutin ang Luna sa Coinbase (wLuna), ngunit kakailanganin mong i-unwrap ito at i-bridge ito sa Terra blockchain sa pamamagitan ng pagpunta sa https://bridge.terra.money/.

Kakailanganin mo ng gas dito, kaya inirerekomenda namin ang pagkuha ng iyong mga asset ng Terra sa Kucoin.

Gabay sa pag-uugnay ng mga nakabalot na asset sa Terra: Terra Bridge Tutorial: Bridge WLUNA From Ethereum To Terra!

Terra Station Wallet & Browser Extension Setup Guide

Sinusubukan kong bumili mula Random Earth ngunit hindi ito gumagana. Ano pa ang ilang kailangan kong gawin?

Kailangan mo ng Luna sa iyong wallet upang makabili ka ng kung ano man sa Random Earth. May maliit din na bayad ang UST.

Ano ang mapapanalunan ko sa pagsali sa Faction War?

Ang Faction War ay isang “pagpili ng mga panig” para sa maraming mga laro na darating.

Halimbawa, ang mga makakakumpleto ng Salim’s Adventure minigame ay maaaring manalo ng Levana dust (habang may mga supply), na pagkatapos ay magagamit para sa iba’t ibang hangad na mabili sa Levana ecosystem, o maaari mo itong ibenta sa mga pangalawang merkado tulad ng RandomEarth.io o Knowhere.art.

Sa pamamagitan ng pagsali sa isang paksyon maaari mong i-level up o iangat ang antas ng iyong anting-anting, at magkaroon ng access sa mga bagong pakikipagsapalaran.

Maaari bang ang aking Galactic Punk ay siya ring aking Levana Dragons Avatar?

Hindi pa sa ngayon ngunit umaasa kaming makita ito sa lalong madaling panahon.

Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng iba’t ibang mga koleksyon sa mga pangalawang merkado?

Ang Levana ay may ilang koleksiyon sa pangalawang merkado:

Ang mga meteor (ang unang yugto ng laro) ay matatagpuan sa apat na pambihirang anyo: karaniwan, bihira, sinaunang, at maalamat. Maaari mong basagin ang iyong meteor upang ipakita ang mga nilalaman nito sa https://dragons.levana.finance/. Ang mga ito ay maaaring alikabok o mga itlog ng dragon.

  • Ang alikabok o dust (pangalawang yugto), ay makikita sa tatlong iba’t ibang pambihirang anyo (pangkaraniwan, bihira, at sinaunang). Ito ay kasalukuyang ginagamit para pugaran ang mga itlog ng dragon. Maaari ring gamitin ang mga ito para gumawa ng mga item at i-customize ang iyong mga baby dragon. Ang maalamat na alikabok ay maaaring matagpuan sa alinman sa tatlong pambihirang anyo ng mga meteor at karaniwang ibinebenta sa mas mataas na presyo sa mga merkado.
  • Ang mga itlog (pangalawang yugto), ay matatagpuan din sa apat na pambihirang anyo at ang unang yugto sa proseso ay ang pag-unlad bilang isang dragon.
  • Ang mga dragon ay isang pangatlong yugto na koleksyon. Sa yugtong ito ay binubuo sila ng mga nested egg (mga itlog na sinamahan ng tamang komposisyon ng alikabok). Maaari kang pumunta sa https://dragons.levana.finance/ para magpugad. Sa sandaling pugaran mo ang iyong itlog, isa pang NFT ang minted: ang Talisman, na makikita mo sa iyong kuweba.
  • Tanging ang mga Talisman lamang ang Levana loot sa oras na ito, at mas maraming uri ng mga bagay pa ang idaragdag sa loot collection habang tumatagal ang laro. Ang mga anting-anting ay minted kapag ang mga itlog ng dragon ay pinugaran ng husto . Mayroong apat na Talisman para sa apat na paksyon.
  • Ang Konseho (berde ang kulay) ang kasalukuyang namumuna sa Mars — panoorin ang promong ito, video.
  • Ang mga Guardians (kulay asul) o mga tagapag-alaga at tagabantay ang nagsisilbing mga pulis sa Mars. Sila man ay may recruitment video na maaari nyong panoorin dito.
  • Ang mga Malalayang Martians (kulay Pula) ang mga rebelde. Ang recruitment video nila ay mapapanood dito
  • Ang mga Terrans (kulay Dilaw) ang mga tagapagtayo o mga tagabuo. (ang video ay kasalukuyan pang ginagawa)

Bakit mas mura ang mga nakapugad na itlog kaysa sa mga hindi nakapugad na itlog?

Naibunyag na ang Talisman ng mga napugarang mga itlog. Ang Talisman ay minted at ibinibigay sa may hawak ng pugad ng itlog. Ang mga un-nested na itlog ay maaaring isama sa meteor dust ng katugmang komposisyon sa iyong kweba upang mag-mint ng Talisman. Kapag nag-minting ng Talisman, napakaliit ng pagkakataong makatanggap ka ng Premier Role; ito ang mga pinuno ng mga paksyon, at nagbebenta ng mas marami pang Luna kaysa sa normal na miyembrong Talisman. Maaari mong tingnan ang Talisman marketplace sa Random Earth dito.

Ano ang mga Punk Talisman?

Ang mga Punk Talisman ay ibinoto ng aming komunidad bilang airdrop sa lahat ng wallets na nagtataglay ng Galactic Punks.

Ano ang mga Premier talismans?

Ang mga Premier Talismans ay hawak ng mga lider ng mga paksyon. Binibigyang-daan nila ang kanilang mga may hawak na kumpletuhin ang ilang mga gawain na maaaring hindi magawa ng mga normal na miyembro. Kung ganon, ang mga quest ay kadalasang nangangailangan ng input o partisipasyon ng premier upang makumpleto ang quest.

Mayroon bang Premier Galactic Punk talismans?

Ang mga may hawak ng Galactic punk ay naglagay ng Punk Talisman sa kanilang wallet upang makasali sa Levana Faction War. Walang Premier Galactic Punk Talisman, ngunit mayroong Premier talismans na available sa Random Earth at Knowhere Art.

Ano ang susunod para sa Levana? Mayroon bang roadmap?

Ang updated Levana roadmap ay maaaring makita sa Levana website: Levana.Finance

Kakasimula pa lamang ng Faction War. Ito ang susunod na yugto sa aming pakikipagsapalaran. Mula rito, mayroon kaming roadmap na may genetically modifying nested dragons sa pagpisa at paglaki ng mga sanggol na mga dragon hanggang sa kanilang pagtanda. Sa DeFi leverage trading perpetual swap protocol, ang Levana Leveraged Index token (LLI’s) ay magiging handa humigit-kumulang 2 linggo pagkatapos ng paglulunsad ng Mars protocol, simula sa Luna2X.

Ang produktong core DeFi ay isang leveraged synthetic asset trading platform para sa perpetual swaps. Bilang karagdagan, ang platporma ay magbibigay daan para sa paglikha ng tokenized leverage tulad ng Luna2X, at kapagdaka ay mga assets tulad ng Bitcoin2x o Ethereum2x.

Ang aming layunin ay magmay-ari ng buong crypto leverage market sa pamamagitan ng cross chain settlement. Ang leveraged Luna ay ang aming unang hakbang para sa isang kapana-panabik na roadmap na may:

  • Leveraged assets ng MIR, ANC, MARS, Pylon, Nebula at marami pa
  • Leveraged baskets na pinapaandar ng Nebula
  • Cross chain tokenized leverage ng BTC, ETH, at marami pa
  • Tokenized Perpetual Swaps

Napag-alaan ko na ang Levana ay isang DeFi protocol. Ano ang mayroon sa mga NFT na ito at paano ito gumagana?

Ang pangkat ng Levana ay binubuo ng sci-fi, fantasy, at adventure geeks. Habang ginagawa ang palitan, nakita namin ang mga katulad na protocol na nahihirapan sa paggawa ng pangalan sa pagsisikap na maging kakaiba. Kaya naman nagpasya kaming i-trail-blaze ang Terra NFT space bilang suporta sa aming bisyon na gawin ang aming proyektong NFT. Nagtatag kami ng buong mundo ng backstory at lore tungkol sa mga dragon (leverage), dragon riders (leverage traders), at bumubuo kami ng isang malakas na komunidad ng mga dragon keepers na nagbibigay-daan sa platapormang aming isinusulong. Maaari kang magbasa nang higit pa tungkol sa pagkakatulad ng DeFi at entertainment sa aming DeF-itainment blog post; maaari ka ring matuto nang higit pa tungkol sa Levana sa aming panimulang post sa blog.

Ano ang kauna-unahang produktong DeFi ang balak na ilabas ng Levana?

Ang Luna2x token ay ilalabas pagkatapos simulan ang Mars Protocol sa Terra

Saan ako maaaring matuto nang higit pa tungkol sa Lore?

Maaari mong basahin ang unang limang bahagi ng Lore dito:

O matuto pa tungkol dito sa pamamagitan ng video na ito kasama ang Climb Crypto

Magkakaroon ba ng token ang Levana?

Oo, ang LVN token ay mai-airdrop sa komunidad at maaaring makuha sa pamamagitan ng pagsasaka at pagsali sa Liquidity Bootstrapping event na nakaplano para sa Marso 2022.

Nangangahulugan ba ang pagkakaroon ng Levana NFT na makakakuha ako ng airdrop ng mga LVN token?

Wala pang inilabas na impormasyon tungkol sa mga kundisyon na kailangan para matanggap ang airdrop ng mga token ng LVN. Sa sandaling maging handa ang impormasyong ito, ipapaalam namin ito sa pamamagitan ng aming mga social channel.

Ilang Talisman ang maaari kong ipusta sa isang pagkakataon?

Maaari kang pumusta ng isang talisman sa bawat wallet.

Alin ang mas mahusay, isang dragon o isang Talisman?

Ano ang mas maganda, tsokolate, o dobleng tsokolate? Ang ilang mga bagay ay napakaganda ay sadyang napakahirap paghambingin. Ang isang itlog ng dragon ay magbibigay-daan sa iyo upang i-customize at itaas ang isang dragon. Ang isang talisman ay magbibigay-daan sa iyo na lumahok sa Faction War.

Paano kung ayaw kong maglaro? Maaari ba akong kumuha ng taong maglaro para sa akin?

Maaari kang kumuha ng isang tao upang maglaro para sa iyo. Maglalabas kami ng pinagsamang programa para sa iskolarsyip.

Maaari ba akong maglaro ng larong Pakikipagsapalaran ni Salim sa Ledger? Bakit may bayad sa UST?

Oo, idinagdag sa Salim’s Adventure ang Ledger support. May napakaliit na bayad sa UST dahil na rin sa pagsasama ng Ledger at Terra Station at para maglaro sila ng maganda kailangan naming magdagdag ng maliit na bayad.

Hindi ako makausad sa Salim’s Adventure, mayroon bang paraan para ako ay matulungan?

Paano ko ibeberipika ang aking Levana NFT sa Levana Discord para matanggap ko ang prebilihiyo ng may hawak ng NFT?

Mayroon kaming blog post na may detalyadong tagubilin.

TL;DR: Kapag sumali ka sa aming discord account, pumunta ka sa channel na #verify at i-type ang /lunar-link para ikonekta ang iyong wallet. Pagkatapos ay bibigyan ka ng tungkuling “NFT Holder” at magkakaroon ng access sa mga pribadong channel.

Sa pagwawakas

Ang Levana ay isang ambisyosong proyekto na may maraming mga koponan at mga magagandang katangian. Nilalayon naming lumikha ng isang natatanging karanasan para sa isang napakalaking madla. Gusto naming marinig ang iyong feedback o mga mungkahi kung paano namin mapapabuti. Ang aming mga DM ay laging bukas.

Saan matututo ng husto

Basahin ang aming kuwento:

Sumali sa aming Discord: https://bit.ly/discordlevana

Twitter: https://twitter.com/Levana_protocol

Telegram: http://t.me/levanaprotocol

Blog: https://medium.com/@LevanaProtocol

--

--