Ang Buod ng Reddit AMA sa Linggo ng Sining kasama ang MetaMirror

Elise
Oasis Foundation Filipino
9 min readJul 3, 2022

--

Disclaimer: Ang paglalathala na ito ay pagsasalin na ginawa ng Ambassador ng Oasis. Mahigpit na pagsusuri ang ginawa para makapagbigay ng tamang pagsasalin, ngunit maaaring magkamali at magkulang. Hindi mananagot ang Oasis sa kawastuhan at kahusayan nito. Basahin ang orihinal na artikulo dito.

Noong nakaraang linggo, nagkaroon ng nakakapanabik na AMA sa r/NFTsmarketplace ang MetaMirror at ang pangkat ng Oasis kasama ang Sensei Gallery at si Javier ng Bastard Films para sa Linggo ng Sining ng MetaMirror! Ang mga Artist ay nagbahagi ng kanilang mga vision sa likod ng kanilang mga koleksyon, mga paalala sa mga maaasahang artist at marami pang iba. Dagdag dito, Ang Oasis at MetaMirror ay ibinahagi ang mga perpektong tampok ng produkto sa komunidad ng NFT.

Ang mga koleksyon ng mga artist sa Linggo ng Sining ay makikita mo dito: https://auth3.network/metamirror/gallery/

Ang Oasis at MetaMirror

Ang Oasis ay nangungunang scalable at pinaganang privacy na blockchain, na pinipili ng mga creator upang magbuo ng mga NFT. Ang high throughput at ligtas na arkitekturang kumbinasyon ay nangangahulugan na maaaring mapagana ng Oasis Network ang paggagamitan ng Tokenized Data, para makontrol ng mga user ang nabuo nilang data at makakuha ng mga gantimpala sa pagbuo ng kauna unahang responsableng ekonomiya ng data. Kamakailan, inilunsad sa Oasis ang kauna unahang confidential na NFT! Bukod pa rito, ang sinusuportahan ng Punong Ministro at gobyerno ng Vietnam na pakikipagsosyo, ang teknolohiya ng Oasis ang ginagamit ng Genetica upang mag tokenize ng mga genomic profile sa GeneNFTs.

Kamakailan ay inanunsyo ng MetaMirror ng Auth3 ang MLaunch, ang makabagong code-free NFT launchpad na makakapaglunsad ng mga proyekto ng NFT batay sa kaalaman na sinusuportahan ng data ng mga kalahok. Bilang karagdagang sa minting tool, ang web3.0+ ay isinama sa MLaunch para makapaglunsad ang mga tagalikha ng may makabagong solusyon na sinusuportahan ng data! Alamin pa.

Ang pagsasama ng MLaunch sa MetaMirror Gallery — na nagpapahintulot sa NFT trading at pakikipag ugnayan sa komunidad — lumago at umunlad ang MetaMirror na naging kauna unahang fully-fledged na marketplace ng NFT sa Oasis Network.

Sundan ang Oasis at MetaMirror para masubaybayan ang mga pinakabagong pagpapaunlad!

Ang Buod sa AMA

Tanong: GM!! Sa ngayon, ay halos magkatulad ang mundo ng NFT at ang kanilang mga marketplace, paano naging katangi tangi ang isang proyekto?

A: GM: Napakagandang tanong! Para sa mga marketplace, sasang ayon ako na magkakamukha nga sila. Pero sa tingin ko ang nakakaakit sa mga detalye kung saan ang mga karagdagang tampok ay maaaring nakakatangi sa marketplace ng artist at sa mga user kumpara sa iba ay makakatulong na matanggap ang marketplace. Tulad halimbawa ng tampok ng MetaMirror na MBuddy.

Sa pananaw ng NFT/collection, ang masasabi ko ay depende ito sa uri ng koleksyon. Isang natatangi at subjective ang sining sa tradisyunal na mundo at ganun rin sa katapat na digital nito. Ang masasabi ko sa pangkalahatan, nakakatangi ang lahat ng sining (siguro ay hindi totoo para sa mga PVP forks na nabubuo sa iba’t ibang mga chain:)), kaya kung ito ay mahalaga o wala ay depende nalang sa tumitingin. — Matej Janež

A: Para sa akin, sa tingin ko ang pinakamahalagang parte ng koleksyon at kung ano ang nagpahusay sa mga koleksyon ay ang pangkat sa likod nito. — Sensei Gallery

Tanong: Para sa mga artist, Sa paglulunsad ng koleksyon ng NFT, may mga tip at trick ba kayo?

A: Hi, Si Javier ito. Sa karanasan ko, ang paghahanap ng kinagigiliwang tema ang unang una, sa ganoong paraan ay ipagpapatuloy at masisiyahan ka sa proseso ng paglikha sa gusto mong artwork. Sa opinyon ko, ang pagkopya ng mga tema na nagawa na o paggawa ng koleksyon na katulad sa iba ay hindi nakakawiling gawin.

Isa pang tip ay ang pagsubok at paggawa ng bago. Maaaring bagong paraan na hindi pa nakikita ng mga tao, mga bagong kapaligiran o nakakawiling konsepto na gusto mo. Karaniwan, subukang magdala ng kakaiba at bago sa mundo ng NFT. Iyon ang paraan na sa tingin ko na magiging interesado sa gawa mo ang mga tao. — Javier, ng Bastard Films

Tanong: Hi Javier o sa pangkat. Gusto ko malaman kung ano ang automated community management at paano ito makakatulong sa mga masigasig na mga artist?

A: Kilalang paraan sa pag paunlad ng koleksyon ng NFT ang pagbuo at pakikipag ugnayan sa komunidad. Madalas ginagantimpalaan ang komunidad kapalit ng pagtulong sa pagbuo ng malaki at aktibong komunidad. Magulo ang data na nagtatala ng kontribusyon sa pagbuo ng komunidad ang madalas na dumadating na problema sa paraan na ito. Sa Web 2.0, madalas ay updated sila at nasa iba’t ibang mga social media channel, kaya ang data na ito ay mahirap makuha.

Ang MLaunch ay nag aalok ng mga hanay ng tool para magtalaga ng mga gawain sa komunidad at masuri ang kanilang kontribusyon ayon sa bilang. Ang mga kaalaman na ito ay maisusulong na gamitin sa paglaan ng mga gantimpala — pagkuha ng automated NFT community engagemeny. — Shay, ng MetaMirror

Tanong: Nakikita ko na nag aalok ng code-free minting service ang MetaMirror, Maaari bang ito ay mas ipaliwanag mo? Hindi na ako makakapaghintay sa kung ano ang mangyayari sa hinaharap!

A: Masaya akong magpaliwanag!

Bukod sa paggawa ng mga art file sa NFT, maaaring i-whitelist ng creator sa code-free minting service ang mga user, magsagawa ng mga whitelist presale, public sale at saka unboxing.

Ang koleksyon sa ‘Mlaunched’ ay awtomatikong ililista sa pangalawang sale sa MetaMirror Gallery — sasaklaw sa kabubuang lifecycle sa paglulunsad ng NFT. — Shay, ng MetaMirror

Tanong: Paano makakabuo ng tagahanga sa NFT ang isang tradisyunal na artist?

A: Sa karanasan ko ngayon, may social media account ka dapat para sa oag post ng mga gawa mo at makipag ugnayan sa ibang mga artist.

Alam ko na hindi ito gusto ng lahat, ngunit kung gusto mong magbuo ng tagahanga, may mga channel ka dapat para maipalaganap ang iyong gawa at makita ng maraming tao.

Ang pagkakaroon ng account sa Instagram o Twitter kung saan maaari mong i-post araw araw ang iyong pag unlad, mga ideya, anong pintura o animation o gagawin na trabaho, kahit mga sketches at iba pa, ay napakahusay na paraan para madagdagan ang mga tagahanga mo. Maaari ka magbigay ng komento sa gawa ng iba, makipag usap at baka kahit makipagtulungan, para magkakilala ang bawat tagahanga. Maraming mga paraan kung paano makakuha ng tagahanga.

Saka, sumali sa mga NFT page sa discord at magpakilala. Halimbawa, nang hindi ma-spam ang mga gawa mo, makipag usap lamang sa general tab ay magandang paraan para makilala. Subukang galugarin ang Twitter Spaces, kung maaari, at makipag ugnayan doon, sumali sa iba’t ibang mga grupo ng mga artist atbp.

Kung susubukan mo hindi buong araw, kundi araw araw, makikita mo na bawat araw dumadami ang mga tagahanga mo. — Javier, ng Bastard Films

A: Medyo komplikado ang paggawa ng fanbase mula sa wala. Ang maghanap ng marketplace na nagsisimula pa lang ang mairerekomenda ko at magmungkahi ng workplan, ihayag dito ang iyong proyekto at magbuo ng plano sa komunikasyon at marketing na susubukan at makakuha ng maraming tagahanga. Hahanap din ako ng paraan para malaman ng mga streamer, mga blog at mga dalubhasang pahayagan ang tungkol sa paglulunsad ng NFT. — Sensei Gallery

Tanong: Sina Javier, Tepukuma at ang Sensei Gallery ba ay maglalabas ng susunod na koleksyon ng NFT?

A: Bilang bahagi sa pangkat ng Sensei, ang patuloy na maglabas ng mga mahuhusay na artist at mga koleksyon ang nasa isip namin. Kasalukuyan naming sinasala ang gawa ng mga internasyonal na artist kasabay ng gusto naming sakupin ang ibang mga saklaw ng ibang mga marketplace. Sa ngayon, masaya kami sa dalawang koleksyon na inilunsad sa MetaMirror, at umaasang patuloy kaming makakapaglunsad ng marami pang mga proyekto sa darating na mga linggo.

Nawa’y nagustuhan niyo ang dalawang inilabas. Subaybayan ang aming mga social network para walang makaligtaan sa susunod. — Sensei Gallery

Tanong: Ano ang kalamangan sa pakikipagsosyo ng iyong proyekto ng NFT sa MetaMirror at makakapag tokenize ba ang MBuddy-MetaMirror ng kahit anong pakikipag ugnayan sa social network bilang pangangailangan sa whitelist o pamigay ng isang proyekto ng NFT?

A: Hindi lamang isang fully-fledge na marketplace ng NFT sa Oasis ang MetaMirror ngunit nagbibigay din ng Web 3.0+ identity service na makakapagtulay ng mga data asset sa Web2 sa Web3. Sa ganitong integrasyon, masusuportahan ng mas malawak na kaalaman ng tagahang at mga pakikipag ugnayan sa komunidad ang paglabas ng mga koleksyon ng NFT sa MetaMirror Gallery.

At, Makakapagdala ng iba pang mga paraan sa pagpaunlad ng mga proyekto ng NFT ang MBuddy. Makikipagsama pa ang MBuddy, kabilang ang mga social network data source at palakasin ang pagtatagumpay ng paglulunsad sa mga NFT. — Shay, ng MetaMirror

Tanong: Kailan natin makukuha ang malawakang pagtanggap sa mga NFT tulad ng sa Solana? Ako ay mamumuhunan, tagapagtatag ng proyekto at aktibo sa komunidad ng NFT sa Solana.

A: Nagpapatuloy ang paglaki ng NFT ecosystem sa Oasis ngayon. Nagiging kumpleto ang tampok ng mga marketplace at naglalabas ng mga bagong proyekto at mga artist ang ating network. Maglalabas ng NFT ng kanilang mga character at mga in-game asset ang mga laro na ilalabas sa susunod na buwan. Kaya marami ang nangyayari, subalit sa tingin ko ay hindi tama na hulaan kung kailan mangyayari ang malawakang pagtanggap, lalo na sa kasalukuyang mga kalagayan ng kalakalan. May malaking paglago at aasahan na ito ay magpapatuloy, ngunit mahirap sabihin kung kailan :) — Matej Janež

Tanong: Gaana kadali gumawa ng SPL NFT token na maaaring pagkakitaan ng komunidad sa pag stake? May mga technology staking platform ba kung saan ang mga NFT ng mga user ay maaaring i-stake para sa mga token reward?

A: Ang mga NFT sa network ay ERC721 standard dahil EVM compatible ang Emerald ParaTime, kaya masasabi ko na madali lang silang ilabas at gumawa ng staking contract. Wala namang general tooling sa palagay ko para makapaglabas sa Oasis, ngunit ang alam ko ay magkakaroon ng pagpipilian ng staking at mekanismo ang mga laro na ilalabas sa susunod na buwan, kaya sa tingin ko ay hindi magiging komplikado sa mga Solidity dev — Matej Janež

Tanong: Ano ang mga katangian na maaaring iugnay sa mga NFT maliban sa pagiging sining nito?

A: Sa tingin ko, naniniwala ako na sa hinaharap, magkakaroon ng anumang malawakang tokenization ng mga produkto at serbisyo. May nakikita na tayo kung saan ang NFT ay gawa mula sa mga alak, mga bahay at kahit mga damit. Marami pa ang hindi natutuklasan sa blockchain at sa NFT market. —Sensei Gallery

Tanong: Paano naging iba sa ibang mga NFT marketplace ang MetaMirror, hal, Opensea

A: Marami ang pagkakaiba. Ang isa sa mga pagkakaiba ay may tampok na “create” ang Opensea, kung saan makakagawa ng NFT mula sa mga art file ang mga artist. Ngunit hindi sila makakapaghanda ng kahit anong sales event dito. Halos palaging may whitelist minting, public minting at unboxing ang mga sikat na proyekto ng NFT. Ito ay napakahalagang hakbang para ang proyekto ay makakuha ng maraming kliyente — tulad ng Azuki, atbp.

Maaaring kumpletuhin ng mga artist ang buong lifecycle sa paglulunsad ng NFT ng walang anumang kasanayan sa coding sa MetaMirror Gallery. — Shay, ng MetaMirror

Tanong: Kay Javier, paano ang naging karanasan sa paglipat mula sa tradisyunal na sining sa mga NFT?

A: Hello,

Ang malaking pagkakaiba sa tingin ko o ano ang nagustuhan ko sa mundo ng NFT, ay ang kalayaan na lumikha ng kung ano ang gusto ko. Nakikipagtulungan ako palagi sa mga kliyente o kumpanya sa tradisyunal na sining o gawa, na may mahigpit na deadline at mga tagubilin na hindi nagbibigay sa akin ng kalayaan na gawin ang sa tingin ko ay pinakamahusay o nakakatuwa.

Nasa mundo na ako ng NFT ngayon, magagawa ko na ang gusto ko at hihimukin ang kakayahan na gumawa ng bagong bagay na mapapakinabangan. — Javier, ng Bastard Films

Tanong: Sa Sensei, Sino ang nakapagpaimpluwensiya sa inyo sa sining? Ano ang nagtulad sa inyo na gumawa ng mga NFT?

A: Para sa akin, Si Basquiat ang masasabi ko na nakaimpluwensya at sana mai-tokenize namin ang ilan sa mga gawa niya balang araw.

At ang sagot sa pangalawa mong tanong, sinusubukan lang namin magbigay ng mahusay na nilalaman sa pagitan ng publiko na kulang sa pisikal na sining. Umuusbong na kahanga hangang tool ang blockchain, at dapat pagsamahin natin ang nakaraan sa hinaharap para makapagpatuloy. — Sensei Gallery

Tanong: Alam kong napakalaking bagay ng sining sa mga NFT, ngunit maraming mga totoong pag aari ang talagang mga NFT, Bilang pagiging privacy-first na network ang Oasis, ang mga NFT ba ay may hinaharap sa labas ng larangan ng sining? Kung gayon, ginagawa na ba ito nga mga dev?

A: Oo naman, isang bahagi lamang ang sining na maaaring nauugnay ng karamihan, ngunit marami pang paggagamitan ang mga NFT. Mangyaring tingnan ang maikling presentasyon mula kay Linda, ang aming Direktor sa Ecosystem, ang tungkol sa Data DAOs at paano isinama ang mga Data NFT noong Pebrero nitong taon sa ETH Denver: https://www.youtube.com/watch?v=CvrM4c2cOIA Matej Janež

--

--